Tatlong Bata, Nagsauli ng Bag na Naglalaman ng Pera


Umani ng papuri sa social media ang tatlong bata na taga-Ifugao Province nang isauli nila sa may-ari ang napulot nilang bag na may lamang pera. Ang tatlong matapat na bata sina sina Dexter Lagmoy, Bryson Dagumay at Zaijan Dagumay ay kinilala ng PNP Ifugao Hingyon

“A lost belt bag containing cash found along Paypay, Poblacion, Hingyon, Ifugao was turned-over to this office by these three good samaritans of the day namely; Dexter Lagmoy, Bryson Dagumay and Zaijan Dagumay, all residents of Poblacion, Hingyon, Ifugao,” proud na sambit ng isang pulis na nakatalaga sa lugar.


Napulot ng tatlo noong Linggo, June 7 ang belt bag na may lamang pera.

Sa halip na angkinin o paghati-hatian, nagpasya ang mga ito na dumiretso sa himpilan ng pulisya at i-surrender ang pera.

Dahil sa katapatan ay labis na hinangaan ng mga netizens ang tatlong bata.

“Sila ang dapat tularan ng mga kabataan ngayon. God bless! Keep it up, kids!” sambit ng isang MU.

“Yan ang mga batang dapat tulungan ng gobyerno para makapag-aral,” udyok naman ni MEP.

“Oh, you see people in our place are honest. We are known for that virtue. Salute boys! Keep the legacy aliv in us in the North,”
pagmamalaki naman ni DGSG.

Nang mapasakamay naman ng may-ari ang nawawala nitong bag ay pinasalamatan nito ang mga bata at nangakong bibigyan ng pabuya angang mga ito.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments