Sa panahon na tin ngayon, talagang napakarami nang kahirapan at pagsubok ang ating nararanasan. Tunay nga na marami na ang nagbago sa atin at sa mga tao sa ating paligid ngunit ang kahirapan sa ating bansa ay naroroon pa rin.
Nakakalungkot lamang na hanggang sa mga panahong ito kung saan mayroong pandemyang kinakaharap ang buong mundo ay marami pa ring mga Pilipino ang nasa lansangan na lamang naninirahan, bata man o matanda. Dahil sa hindi naman lahat tayo ay isinilang na sagana at may kakayanan sa buhay, naisin man nating tumulong ang hindi natin magawa.
Ngunit para sa 27 taong gulang na hairstylist na ito, kung ano ang ibiniyaya sa kaniyang talento ng Diyos ay ito na mismo ang gagamitin niya upang makatulong sa ibang tao. Ang misyon kasi ng lalaking ito ay makapaghandog ng libreng gupit para sa mga kapwa niya Pilipinong nasa lansangan at walang perang pambayad upang makapagpagupit ng maayos.
Hindi alintana ang panganib na dulot ng pandemya ay talagang sinisikap niyang matulungan ang mga taong nangangailangan nang magupitan. Siya ay tubong Caloocan at sa tuwing mayroon siyang libreng oras ay sinusuyod niya anga Quezon City upang makatulong sa mga taong ito.
Talaga namang mamamangha ka sa naging resulta ng kaniyang misyon. Halaos hindi na makilala pa ang mga bata at matatanda na nabibigyan niya ng libreng gupit.
Siya ay walang iba kundi si Marko Bustarde, isang propesyonal na hairstylist. Ayon sa kaniya ay Disyembre 2020 lamang nang simulan niya ang proyekto niyang ito.
Halos limang tao na rin ang kaniyang nagupitan. Isa siyang on-call hairstylist at sa ngayon ay abala na rin sa kaniyang pamilya lalo na at mayroon na rin silanag anak na mag-asawa at nagdadalang-tao rin ang kaniyang misis. Plano niya rin sa ngayon na makapaggupit ng 3 hanggang sa 5 katao at sisikapin din niyang gawin ito ng tatlong beses sa isang linggo.
Nito lamang Enero 26, 2021 nang may makakita sa kaniya sa labas ng isang mall sa Fairview, Quezon City kung saan siya nagbibigay ng libreng gupit sa isang binatilyo at dito na nga nagsimulang lumaganap ang kaniyang mga larawan. Maliban sa libreng gupit ay nag-aabot na rin si Mark ng kaunting pagkain o maliit na halaga upang makabili ng pagkain ang mga taong ito na walang-wala.
Ibinahagi na rin niya ito sa kaniyang YouTube channel upang mahamon pa ang kapwa niya mga hair artist na tumulong din at magbigay ng libreng gupit sa mga taong hikahos at naninirahan sa kalye. Talaga namang nakakabilib ang kaniyang pagtulong sa iba, hindi ba?
0 Comments