Sa kabila ng katandaan, patuloy pa din sa paghahanap buhay ang 74-anyos na lolo na si lolo Rodrigo sa Brgy. West Rembo sa Makati City. Nag-viral ang kanyang larawan sa online matapos ibahagi sa Facebook ng netizen na si David Dharc noong Pebrero 27.
"Sinamahan din namin siya magpagupit, 'yun na lang daw request niya kasi sobra-sobra na raw po bigay namin," dagdag pa nito.
Ayon sa kanyang caption, nakikita niyang naglalako ng isda tuwing umaga si lolo habang gamit nito ang kanyang lumang bisikleta. "Sa taga-West Rembo, every morning si tatay naglalako ng isda gamit niya bike. Sana dyan na kayo bumili kasi senior citizen na po siya tsaka medyo less 'yung presyo niya."
Nakarating naman ang nasabing post sa isang grupo na kung tawagin ay "Quarantine Tribute Tips". Nag-abot ang nasabing grupo ng tulong gaya na lamang ng groceries upang makapagsimula ng kanyang sariling tindahan.
Masayang masaya naman si lolo sa tulong na ibinigay sa kanya ng mga tao. "Malaking tulong daw po kasi pwede niya rin daw ilako itong mga bigay natin sa kanya," ayon sa isang miyembro ng grupong Quarantine Tribute Tips na si Ayla.
"Sinamahan din namin siya magpagupit, 'yun na lang daw request niya kasi sobra-sobra na raw po bigay namin," dagdag pa nito.
Marami sa atin ang patuloy na lumalaban sa buhay lalo na sa panahon ngayon ng pandemya. Tulad ng isang lolo na ito, sa kabila ng kanyang edad ay nagagawa pa din niyang lumaban kahit na mahirap para sa isang tulad niya na maghanap-buhay pa.
Source: Noypi Ako
0 Comments