Jollibee Crew, Naiyak na Lamang Matapos Pagsisigawan ng Isang Customer.


Sa hirap ng buhay ngayon, kailangang ng sipag, tiyaga at pagtitiis upang makayanan ang mga pagsubok sa buhay. Upang makaraos, kailangang kumayod ang karamihan sa atin.

Sabi nga nila, walang madaling trabaho. Lahat ng trabaho ay pinaghihirapan at kailangan ng pagtitiis. Tulad na lamang ng pagtatrabaho sa fastfood chains, hindi madali ang trabaho dito dahil kailangan mo ng malaking pasensya at pagtitiis lalo na kung may makakasalamuha kang masungit na customer.



Hindi sa lahat ng panahon ay kailangan panghawakan ang kasabihang "Customers are always right." Kadalasan, masyadong binababa ng ilan sa atin ang mga klase ng ganitong trabaho. Bagkus kahangaan dapat sila dahil sa kanilang serbisyong binibigay sa atin dahil hindi ang katauhan nila ang binibili natin sa kanila kundi ang mga pagkain lamang nila.

Isang concerned netizen naman ang nagbahagi ng larawan ng isang crew sa Jollibee na umiiyak matapos båstusin at muråhin ng isang customer sa Drive Thru. Ayon sa netizen na nagpost sa kanyang facebook na si Zari Frillez, walang nagawa ang crew kundi umiyak at magsumbong na lamang dahil sa nagngyari.


Maraming netizens naman ang naawa sa crew, may isang nagkumento na kaibigan umano niya ang crew. Nagtatrabaho umano ang kanyang kaibigan upang masustentuhan ang kanyang sarili dahil siya ay kasalukuyang nag-aaral. Halos magkasåkit daw ito dahil sa kanyang pagtatrabaho.



Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments