Kahit na sino ay maaaring maging bayani sa pamamagitan ng simpleng pagtulong sa kapwa. Walang antas sa buhay ang makakapag-sabi kung sino ang maaaring maging bayani. Kagaya na lamang ng lalaki na ito.

Si Larry Lasaac, 54-taong gulang at isang buko juice vendor, ay nagawaran bilang isang bayani dahil sa pagtulong nito sa pag-apula ng apoy gamit ang kanyang panindang buko juice.


Nakita umano nito ang tricycle driver na nahihirapan sa pag-apula ng apoy kaya naman dali-dali siyang tumulong at ibinuhos niya ang tinda niyang buko juice sa apoy. Lingid sa kanyang kaalaman na nakuhanan siya ng video sa kanyang pagtulong sa tricycle driver.



"Nakita kong nahihirapan ang tricycle driver na patåyin ang apoy kaya naman naisipan kong ibuhos sa nag-aapoy na tricycle ang paninda kong buko juice." Kwento ni Larry.

"Sa tingin ko po, gagawin din naman 'yon ng ibang tao kung sila man ang makaka-engkwentro ng gano'ng sitwasyon," dagdag pa ni Larry.

Nagkakahalaga umano ang buko juice na binuhos niya sa pag-apula ng apoy na P500, ngunit hindi na ito naisip ni Larry kundi makatulong na lamang sa kapwa ang una niyang inisip. Dati nang nagtitinda si Larry ng buko juice at french fries na umaabot ng P800 - P1,000 ang kinikita niya sa isang araw. Ngunit ng dahil sa pandemya ay tumumal umano ang kanyang pagtitinda.

href="https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjVcrYa6gr5lVtkmoGAtE8ejffuyNw-Ka0S84bU5MuJRrQAjlgqa0YHTAE2MW80EK6n7SHaxfqpExhqaWmeIKEhet5U-_dpmcNPgXWO2havTTR7cLbLL4dEgm3ejQAXAVi_4W3Yk3Vh0UNG/s624/pic38.PNG">


Dahil sa kabayanihang ipinamalas ni Larry, pinarangalan ito ni Mayor Cesar Ynares, Mayor ng Binangonan, na binigyan ng Certificate of Recognition ng lokal na pamahalaan. Bukod pa rito, pinagpapasa siya ng bio-data sa munisipyo upang bigyan ng trabaho upang makatulong sa pamilya nito.

Source: Noypi Ako