Kris Aquino, Nagsalita na sa Kanyang Tell-All Video: "Tama na, Sobra na, Lalaban na!"


Inilabas na ni Kris Aquino ang pinakahihintay ng mga tao na Tell-All Video kung saan ay dinepensahan niya ang kanyang sarili, mga anak at pamilya.

Sa unang bahagi ng kanyang video, sinabi ni Kris Aquino kung ano ang tunay niyang nararamdaman at inilabas niya ang kanyang saloobin gaya ng masasamang komento sa kanyang mga anak na sina Josh at Bimby Aquino.

"Plus, I'm a solo parent. Nanay ako na binabalÃ¥hura na ang mga anak." Sinabi niya. Pinagtanggol niya ang sinasabi ng mga tao tungkol kay Josh at Bimby. "OA sa pagka-malicious ang pag target sa panganay at sa bunso ko. Inisip siguro kung mag-imbento tungkol sa panganay at tawaging bakla 'yung bunso. Titiklop na 'yung nanay."



Ayon kay Kris Aquino, may gumawa umano ng kwento na nakabuntis diumano ang kanyang panganay at ang 13-anyos niyang anak ay nabubully at sinasabihan umano ng bakla. Ipinagtanggol naman niya ang mga anak sa mga paratang ng mga tao.

Binanggit din niya ang ugnayan nilang dalawa ni Former Mayor of Quezon City Herbert Bautista. Hinihingi daw niya muna ang permiso sa kanyang bunsong anak bilang isang ina. Kung ano man umano ang plano ni Herbert ay plano na niya 'yon.

Nabanggit din ni Kris Aquino kung saan sila maninirahan. Iniisip pa nila kung saan sila magpapatayo o magrerenta na lang ba.

"Ayoko nang to leave unanswered questions." Ani ni Kris Aquino. Binanggit din niya ang nangyari sa kanila ni Bingkay. Inamin niya na nagtampo siya kay Bingkay ngunit wala silang samaan ng loob. "There's absolutely no bad blood."

"They are not your sons." Sinabi niya ito sa mga taong nagsasabi na hayaan na ang mga bashers at huwag ng pansinin.

Binggit din niya ang isyu noon tungkol sa STD. Inamin na niya noon sa isang interview kaya naman wala na daw pwedeng ibulgar tungkol sa kanya.

"Nangingibabaw pa din sakin that my father he gave his life for this country." Ikinuwento pa niya ang nangyari noong panahon kung paano binawian ng buhay ang kanyang ama.

Sinabi niya din na milyon na ang walang trabaho, binawian ng buhay at nawawalan na ng pag-asa. Nang tumulong siya, sinabihan umano siya ng kung ano-ano. Hindi umano siya epal kung hindi ay tumatanaw lamang siya ng utang na loob para sa kanyang ina.


"Minsan kase pag hindi mo dineclare, hindi magegets ng ilan." Sabi niya pa.

Sinabi niya din na wala siyang galit kay Pangulong Rodrigo Duterte noon pa man.

Ang kulay umano na dilaw ay simbolo ng pagsasakripisyo ng kanyang mga magulang para sa bansa. "I will not allow anybody to take the symbol of their sacrifice." Ani niya. "Pero alam ko kung sino ang napatalsik at gustong gusto kami gantihan dahil kulang pa sa kanila na pinapÃ¥tÃ¥y nila ang tatay ko,"
 dagdag pa niya.

Binawian umano ng buhay ang ama niya at sinubukan din silang bawian ng buhay ngunit ang kaibahan ay hindi sumuko ang kanyang ina. Kinuwento pa niya ang nangyari sa kanila mag-ina noong sinubukan na bawian sila ng buhay. Pinigilan naman niya ang kanyang emosyon.

Inalala pa niya ang mga nagawa ng kanyang ina noong nabubuhay pa. Ang ina niya umano ang unang nagparamdam ng pagmamahal sa kanya.

Sinabi niya ang mahahalagang tao sa kanya, mga anak niya, mga magulang at mga kapatid niya. Kung may karelasyon man siya ay sasabihin niya sa publiko.

"Pero.. pinagod niyo na ako, napagod na akong magpaapak." sabi pa niya.

At sa huli ng kanyang pagsasalita, sinabi niyang, "Tama na, sobra na, lalaban na."


Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments