Lola, Humihingi ng Tulong para sa Pangbili ng mga Gamit ng Apo sa Online Class


Ang karamihan sa mga pilipino ay walang kakayahang bumili ng gamit gaya ng cellphone para sa pang online class. Dahil sa pandemya, pinatigil ng pamahalaan ang balik-eskwela upang masiguro ang kaligtasan ng mga kabataan kaya naman online class at modules na ang naging learning system sa Pilipinas.


Kumalat ang larawan ng isang lola na nagmamakaawa sa kalsada at humihingi ng tulong para sa pangbili ng mga gamit ng kanyang apo sa online class.

Mula sa concerned netizen na si Jhonroe Yu Cabildo, ibinahagi niya ang larawan ni Lola Laida Gracias. Kwento ni Cabildo sa kanyang facebook post,

"2:45 ng hapon pumunta ako sa monumento station caloocan para magpasa ng requirements, biglang napansin ko si nanay gutom at nanlilimos sa kalsada tila kaunting tao lang ang pumapansin sa kanya Hindi natiis ng puso ko na lagpasan siya pero sabi ko kay nanay wag ka mag alala may tutulong po sa inyo na mas may kaya sakin si Idol Raffy sabi nya sino yun nakakahiya Anak, ( anak pa tawag nya saken nakakataba ng puso) tas ayun lalong nanlumo ako nung nalaman ko na nanlilimos sya para sa Apo nyang nag Online class iniipon nya daw ung panlilimos nya para sa apo at asawa nyang mahina na."


Dahil dito, naisip nga niya nai-post sa Social Media ang kalagayan ni Lola Laida. Marami naman ang nag-abot ng tulong para kay Lola Laida.

"Kaya po nag ka ganyan ung isang mata ni lola dahil siya ay inihÃ¥mpas, binÃ¥libag at pinaikot-ikot(duguÃ¥n) ng isang babae para makuha sakanya ung bag niyang may pera na galing sa limos. Nanlilimos si lola para may pangkaen sila ng mga apo niya," ayon naman sa isa pang concerned netizen na si Peter Aquino Mariano na isa sa mga tumulong sa mag-lola.


Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments