Isang matandang nagtitinda ng hipon ang nanlumo dahil tinapon ang tinda nya dahil bawal daw umano magtinda sa kanyang pwesto.
Sa panahon ngayon marami ng gusto magtrabaho dahil wala ng kakainin ang kanilang pamilya dahil sa kumakalat na pandemya, kaya naman sa kagustuhang kumita ng matandang ito ay nagtinda sya ng hipon para kahit papano ay may kitain.
Ngunit malupit pa rin ang mga taga-barangay, dahil imbis na sabihan lang ang matanda na bawal magtinda sa kinapupwestuhan nya, tinapon ang tinda nitong hipon.
Kahit matanda na si Lola ay pinilit nyang magtrabaho ng marangal para magkaroon ng kakainin, ngunit meron pa ring tao na hindi pinapahalagahan ang bawat paghihirap ng ibang tao para lang kumita ng pera.
Pwede naman sabihan at tulungan magligpit ang matanda sa kanyang paninda, pero hindi makatao ang ginawa nila na itapon pa ang paninda.
Ito ang Post ng isang FB Page,
"Kawawa naman si lola na nagtitinda ng hipon sa gilid ng Maligas sa Dagupan, tinapon yung mga paninda nya dahil bawal daw magtinda dun, pwede naman sabihan si Lola na bawal pala dyan magtinda hindi yung itatapon nyo paninda nya, yan lang naman alam ni lola na mapapagkakitaan para mabuhay ipagkakait nyo pa! may pandemic na nga lalo nyo pang pinahirapan si lola.. paki share na lang po para mapanagot itong mga taga barangay."
Source: Noypi Ako
0 Comments