Isang batang lalaki ang pinagkaguluhan sa may bahagi ng Taft Avenue kanto ng UN Avenue. Napag-alaman na ang batang ito ay tumakas mula sa Manila Department of Social Welfare.
Isa sa mga layunin ng Manila Department of Social Welfare ay pangalagaan ang mga batang nasa lansangan lamang at gumagawa ng hindi kaaya-aya. Sa panahon ngayon ay patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga batang gumagagamit at sumisinghot ng solvent. Isa ang batang ito sa grupo ng kabataan na nahulihang sumisinghot ng solvent.
Nang sitahin ng ilang tauhan ng Manila Department of Social Welfare ay tumakas ang batang ito, lumambit at guumapang siya sa kable ng telepono at cable TV matapos na tumalon mula sa hagdanan ng UN Avenue LRT-1 Station. Ang batang ito ay namamalimos din sa nasabing lugar.
Mabilis naman ito naaksyunan at narespondehan ng mga tauhan ng Manila Police Distrct-SWAT. Pumalag pa ang bata habang tinatangka pa niyang bumaba mula sa itaas. Ngayon, hawak at nasa pangangalaga na ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) ang batang ito.
Source: Noypi Ako
0 Comments