Watch! Mag-aama, Binigyan ng Tahanan at Negosyo ni Idol Raffy Tulfo.


Marami na ang natulungan ang programang Raffy Tulfo in Acti0n. Kadalasan, binibigyan pansin ng programa ang maraming komentong tila humihingi ng tulong sa facebook post.

Isa na lamang sa natulungan ng programa ay ang isang ama at apat nitong anak na naninirahan lamang sa gilid ng riles ng tren. Iniwan umano ang mag-aama ng ilaw ng tahanan at sumama sa isang tomboy. Pagtitinda lamang ng asin ang ikinabubuhay ng ama na ito upang makaraos sa kanilang pang araw-araw.

Sa pamamagitan naman ng pag-post ng isang concerned netizen na si Jamaica Rose Nebato ay nag-viral ang post na ito tungkol sa kalagayan ng isang ama na si Zaldy Magante at apat na anak na ito. Ang panganay na anak nito ay 12-anyos at ang bunso naman ay 9-buwan na sanggol pa lamang.




Sa gilig na tren, tanging tolda lamang ang kanilang sinisilungan dahil dinemolish ang dating tinitirahan dahil informal settlers umano sila. Noong Pebrero 14 ay iniwan di-umano ang mag-aama ng kanyang asawa at sumama sa tomboy. Ang tomboy na ito ay si Judy Ann na nakatira din kasama ang pamilya na ito, ang inakala ni Zaldy ay maganda ang kanyang intensyon ngunit siya pala ang naging dahilan kung bakit sila iniwan ng kanyang misis.




Sa kanyang pagtitinda ng asin ay kumikita umano si Zaldy ng P250 araw-araw, kadalasan ay kinakapos ang kinikita niya dahil sa mga gastusin nilang mag-aama.


Binigyan ng tulong ni Idol Raffy ang mag-aama, pinatuloy muna ang mag-aama sa hotel habang hinahanapan sila ng staff ng programa ng matitirahan. Binigyan din ng negosyo si Zaldy ng foodcart upang makapagtinda ng mga gulay. Ang concerned netizen naman si Jamaica ay inabutan din ng tulong ni Idol Raffy.


Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments