Panoorin | Video ng Paghuli ng mga Pulis sa Billiard Champion na si Efren 'Bata' Reyes nag Viral!


Kilala at iniidolo ang Filipino Billiard Champion na si Efren "Bata" Reyes hindi lang ng mga PIlipino kundi maging taga-ibang bansa. Tinagurian siya ng bayani dahil sa angking galing nito sa larangan ng billiard at nagdala ng ating bansa sa iba't ibang labanan sa ibang bansa.

Si Efren "Bata" Reyes ay nakatatak na sa isip ng maraming tao dahil sa loob ng 70-bansa, siya ang kauna-unahang naging World Champion sa iba't-ibang titolo. Ika-apat na beses din siyang naging World Champion dahil sa kanyang talento at galing sa pag-bibilliard.

Nag-viral naman ang video niya kasama ng ibang kalalakihan na naglalaro ng pool na hinuli at inarest0 ng kapulisan. Makikita sa video na nakauniporme ang mga humuli at armad0 pa ang mga ito. Kaya naman samot-sari ang mga komento ng mga netizens.



Mahigpit na ipinagbabawal ang pagtitipon gaya na lamang ng paglalaro ng sports, kaya naman sinabihan ng mga kapulisan na huwag tatakbo at aayusin ang nangyari. Kasama sa mga nahuli si Efren "Bata" Reyes. May isa naman ang nagsabi na ang dahilan ng kanilang paglaro ay para sa diwa ng sports.

Mahigpit na ipinagbabawal din ang paglabas ng mga bata at matatanda at ang pagtitipon lalo na kung alang Social Distancing. 66-taong gulang na sa ngayon si Efren "Bata" Reyes.


Marami ang nalungkot sa nangyari at iba-iba ang naging reaksyon ng mga netizens.

"Oo may batas tayo na sinusunod sa pandemic na ito. Sana naman po konting galang naman at maayos na pananalita sa ating bayani napaka laking karangalan nyan naibigay sa ating bansa. Wag po natin baliwalain. RESPETO SA ATING BAYANI."

"Jurisdiction ng barangay yan. Bakit mga SWAT ang nanghuhuli at may mahabang båril pa. Bakit may mga kriminål ba jan? Anak ng tet3ng oh!"

Panoorin ang kabuuang video ng paghuli ng mga pulis kay Efren "Bata" Reyes:


Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments