“Mahilig akong manood ng TV at magbasa ng libro tungkol sa mga imbensyon. Itong water fuel ko, mahigit sampung taon akong nag-experiment at nagpakahirap para lang makuha.
Pero sulit. Kasi ngayon, ‘yung motor ko, pinapatakbo ko gamit lang ang tubig!
Ang laking tipid. Sa gasolina, nasa 300 pesos nagagastos ko. Pero kapag naka-water fuel, nasa 30 to 35 pesos lang ang gastos.
Naisip kong gumawa ng ganito para makatulong din sa pamilya ko, para makatipid kami sa gastusin-- lalo pa’t may mga anak ako. Maganda rin na makakatulong ‘to na mabawasan ang polusyon.”
0 Comments