Philippine National ID: Pangulong Duterte, Hinihikayat ang Publiko na Magparehistro para sa PhilSys



Pormal nang inilunsad ng Philippine Statistics Authority o PSA at ng National Economic and Development Authority o NEDA ang mass registration ng PhilSys.

Nakiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa isinagawang ceremonial event. Hinikayat din ni Pangulong Duterte na maikiisa ang publiko na magparehistro para sa PhilSys. 

Ayon kay Pangulong Duterte, malaki ang maibibigay na ginhawa lalo na pakikipagtransaksyon ang pagkakaroon ng Philippine National ID.


Binggit din ni Pangulong Duterte na titiyakin niya na itataguyod ang privacy ng lahat ng personal information ng publiko.

Noong Enero 22 ay nagparehistro na si Pangulong Duterte sa PhilSys at nakuha na niya ang kanyang National ID nitong Marso 4.

Maaalala na nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act. 11055 o Philippine Indentification Act noong Agosto 2018 na naglalayong pag-isahin na lamang ang lahat ng Government-Issued IDs.


Layunin ng programa na unahin muna ang mga lugar na may mababang kas0 ng C0VID19. Kasabay nito, pinaalalahanan din ang publiko na alalahanin ang safety protocols upang makaiwas sa hawahan at pagtaas ng kas0 ng C0VID19.

Susunod naman na ilulunsad ang online registration. Sa pangalawang step, kailangang pumunta sa designated area para sa validation ng demographic at kukunin ang biometrics at sa pangatlong step ay ang pag-isyu ng PhilSys Number o PSN at ng Philippine ID.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments