Traffic Enforcer, nagsoli ng wallet na naglalaman ng mga importanteng dokumento at mga ID's



Ang tungkulin ng isang traffic enforcer ay magbigay ng maayos ng daloy ng trapiko upang maiwasan ang aksidente. Naaayon sa kanilang kamay ang maayos na daloy ng trapiko at nagbibigay ng babala para sa mga motorsiklo o mga sasakyan na lumalabag alinsunod sa mga batas-trapiko. Tungkulin din nilang magserbisyo at maging tapat sa bayan.



Mula naman sa post ng facebook page ng Dasmariñas City News, isang tapat ng traffic enforser ang gumawa ng kabutihan sa kanyang kapwa, isinaoli nito ang nahulog na wallet ni Mr. Bernardo Linga na naglalaman ng mahahalagang ID's at dokumento. Residente umano ng Las Piñas City ang may-ari ng wallet. Kinilala naman ang tapat na traffic enforcer na si TE Jhelo Ilano.



Kaya naman laging pakatatandaan na hindi lahat ng traffic enforcer ay tiwali sa kanilang trabaho, karamihan sa kanila ay mabubuti at tapat sa kanilang tungkulin. Hindi man nila trabaho, makakaasa tayong may mabubuti silang puso na isang halimbawa na lamang ang traffic enforcer na ito. Saludo naman ang mga netizen sa kanyang katapatan.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments