Ibinahagi ng Kapus0 Mo, Jessica Sojo ang isang kwento ng lalaki na patuloy pa rin sa hamon ng buhay kahit na may dinadala itong hirap sa araw-araw. Si John Paul ay na0perahan noong 2019, kinailangan na tanggalin ang kanyang bitukå kaya naman gumamit siya ng DIY Co1ostomy Bag na gawa sa galon ng tubig at sa hose ng washing machine.
Dahil sa hirap ng buhay, walang kakayahang bumili ng co1ostomy bag si John Paul. Maliit at mabilis mapuno ang co1ostomy bag na nabibili. Kaya naman naisipan ng kanyang kapatid na gumawa ng co1ostomy bag na yari upang mas matagal itong mapuno at para din makatipid.
Marami ang pinandidirihan siya ngunit patuloy pa rin siya sa buhay, kumakayod pa din at nagtatrabaho dahil siya umano ang bread winner sa kanilang pamilya. Siyam silang magkakapatid at siya ang inaasahan ng mga kapatid nito.
Bitbit ni John Paul ang kanyang backpack laman ang DIY co1ostomy bag araw-araw. Ang tanging hiling lamang ni John Paul ay huwag muna sana siya kunin ng Panginoon dahil marami pa siyang pangarap para sa kanyang pamilya.
Marami naman ang naantig sa istorya ni John Paul at umabot na sa 360 reacts, 13k comments at 22k shares ang istorya nito na ibinahagi sa Facebook page ng Kapus0 Mo, Jessica Sojo. Nawa sa pamamagitan ng pagkalat ng kanyang kwento ay may mag-abot ng tulong sa kanya.
Source: Noypi Ako
0 Comments