DFA Sec. Teddy Locsin, Jr. Dinepensahan ang Aktres na si Angel Locsin Tungkol sa Isyu ng Kanyang Community Pantry: "No Forgiveness needed"



Kamakailan lamang ay nag-viral ang issue tungkol sa ginawang community pantry ni Angel Locsin kasabay ng pagdiwang ng kanyang kaarawan ngunit hindi naging maganda ang idinulot nito dahil hindi nasunod ang ilang safety protocols at may matandang lalaki pa na binawain ng buhay. Nauna namang humingi ng tawad ang aktres sa nangyaring insidente sa kanyang community pantry.


May ilan na sinisisi ang pag-post ni Angel Locsin sa kanyang social media accounts dahil tila nanghihikayat siya na magpuntahan ang maraming tao ngunit may ilan din na wala siyang dapat ipaghingi ng tawad dahil ang nais lang naman ng aktres ay makatulong at malinis naman ang kanyang intensyon sa kapwa.

Humingi ng tawad si Angel Locsin sa publiko dahil sa pagdagsa ng maraming tao at naging dahilan kaya hindi nasunod ang social distancing na mahigpit na ipinapatupad sa publiko dahil isa ito sa nagiging sanhi ng mabilis na paglaganap at pagkalat ng C0VID-19.


Dinepensahan naman ni Department of Foreigh Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin, Jr. sa kanyang twitter account ang issue laban kay Angel Locsin. Wala umanong dapat ipaghingi ng tawad ang aktres dahil tumulong lang siya sa kapwa at ang dapat sisihin ay ang mga taong hindi tumutulong sa iba.

Sa kanyang twitter post ay sinabi ni Locsin, "No forgiveness needed; at least she tried to feed them; one was so starved and weak she couldn’t feed him in time. Blame those who don’t do what she and others like her—like my friends from the very start of the pandemic—are trying to do: feed the hungry and not their egos."


Tungkol naman sa matandang lalaki na binawian ng buhay matapos na pumila sa mahaba sa gitna ng init ng sikat ng araw ay lubos naman ang paghingi ng aktres ng tawad lalo na sa naulilang pamilya nito. Sa kanyang instagram post ay ibinigay ng aktres ang kanyang pahayag tungkol sa nangyari. Nagbigay na din siya ng pahayag sa kanyang interview sa TV Patrol noong Abril 23 ng gabi.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments