Kapitan ng Barangay Holy Spirit, Sinisisi ang Pag-post sa Social Media ni Angel Locsin kaya Dumagsa ang Tao sa Community Pantry.



Matatandaan na nag-viral ang ginawang 'community pantry' ng aktres na si Angel Locsin noong Abril 23 kasabay ng pagdiwang ng kanyang kaarawan. Marami ang humanga sa kabutihan ng kanyang kalooban dahil sa pagtulong niya sa maraming tao sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City. Ngunit hindi naging maganda ang kinahinatnan ng ginawa niyang 'community pantry' dahil dinagsa ito ng maraming tao.


Bukod sa hindi nasunod ang ilang safety protocols sa nasabing community pantry gaya ng social distancing ay mayroon ding matandang lalaki ang binawian ng buhay dahil sa pagpila sa katirikan ng araw kaya siya ay inåtake sa pus0. Lubos naman ang kanyang paghingi ng tawad dahil dito.

"Nagsimula po kami na maayos ang aming layunin, pati na ang aming pagpaplano sa social distancing, nagkataon lang po talaga na siguro gutom lang po talaga ang mga tao na kahit wala pang pila, sumingit na po sila." Paglalahad ni Angel Locsin sa nangyaring insidente.

Hindi naman nagustuhan ng Kapitan ng barangay na si Kap. Chito Valmonica ang naging pahayag ni Angel at dahil sa pagpost nito sa Social Media kaya daw dumagsa ang maraming tao.



"Sino bang nag-imbita? Eh siyang nag-imbita sa Facebook eh. Pagkatapos ngayong nagpuntahan sasabihin mong kaya pumunta ay nagugutom?" pahayag naman ni Kap. Chito Valmonica.

"Mali 'yung sagot mo na 'yun para sa akin. Hindi maganda. Nasaktan ako dun para bang ang may kasalanan pa eh ang taumbayan na dahil sa kahirapan kaya pumunta dun," dagdag pa nito.

Nabanggit ng aktres sa social media na kasabay ng kanyang kaarawan ay magbabahagi siya sa mga kababayan ng tulong gamit ang gianwa niyang community pantry.


"Bilang pagpupugay sa bayanihan ng mga Pilipino at sa mga nagtayo ng mga community pantries sa iba't ibang bahagi ng bansa natin, I decided to celebrate my birthday tomorrow by putting up a community pantry here."


Sinabi naman ng Kapitan na ang pagpost ng aktres sa social media ang naging dahilan sa pagdagsa ng mga tao.


"Dahil inanounce ni Madam Angel Locsin na 'yung kanyang birthday ay dito niya gagawin, mga taga iba't-ibang lugar talaga ang pumasok sa atin, kasi nga nabasa nila idol namin puro supporter at idol si Angel gusto nilang bumati, gusto nilang makita at inaasahan nila na may regalo pa si Angel Locsin,"
 ayon kay Kapitan Valmonica.

"Nag-post siya eh na nag-imbita siya kasi ang nakalagay nga pala ANYONE is welcome but please make sure to follow protocols."


"Isipin niyo para magpost ka ng ganito ano ba ibig sabihin ng ANYONE IS WELCOME?" dagdag pa niya.

Pinag-iisipan na umano ng barangay ang pagsasampa ng kas0 laban sa aktres. Samantala, nauna ng nagbigay ng pahayag ang aktres sa kanyang social media at humingi ng tawad sa nangyaring insidente sa ginawa niyang community pantry.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments