Marami sa atin ang madalas na nagrerekalamo patungkol sa maraming mga bagay sa ating paligid. Hindi lamang tungkol sa hirap ng buhay kundi maging sa ating mga trabaho.
Ang ilan sa atin ay nagrereklamo dahil sa pagod at puya t na ating nararanasan habang ang iba naman ay nagrereklamo sa maliit o katiting na sweldo na natatanggap nila sa araw-araw. Sa gitna ng pandemyang kinakaharap natin sa ngayon ay mas nadagdagan pa ang ating mga suliranin at alalahanin sa buhay.
Maraming mga negosyo kasi ang kinailangang magbawas ng mga empleyado habang mayroon namang ilan na kinailangan nang magsara ng tuluyan. Sa kabila nito ay marami pa rin sa atin ang patuloy na nagsusumikap at lumalaban sa buhay.
Kamakailan lamang, nagsilbing inspirasyon ang lalaking bulag na ito sa maraming mga Pilipino dahil sa kabila ng kaniyang kapansanan ay nananatili pa rin siyang positibo sa buhay. Nagsusumikap at nagtitiyaga pa rin siya sa pagtitinda ng ilang mga prutas at gulay upang kumita ng kaunting pera.
Ginagawa niya ito para sa kaniyang mga mahal sa buhay. Isang netizen ang nagbahagi sa social media ng ilang mga larawan ng masipag na tatay na ito.
Namataan siya ng netizen na si Jake Dulce Fetalver sa “Jollibee Odiongan Branch”. Kasama niya ang kaniyang anak na siyang nagsisilbing mga mata niya sa pagtitinda.
Ang kaniyang misis naman ay nagtitinda rin sa pamilihan malapit sa kanilang tahanan. Hindi nais ng lalaking bulag na maging pabigat sa kaniyang mahal sa buhay kung kaya naman ginagawa niya ang lahat ng ito upang kahit papaano ay makatulong sa kanila.
Tunay nga na hindi natin kailangan ang napakaraming dahilan o rason upang magsumikap sa buhay. Sapat na ang ating pagsusumikap at determinasyon na makatulong sa ating mga mahal sa buhay sa abot ng ating makakaya.
Maraming mga netizens ang naantig sa kwentong ito ng matanda at sa ngayon ay maraming nagnanais na matulungan ang matanda upang magkaroon siya ng mas maganda at mas ligtas na kabuhayan.
0 Comments