Kamakailan lamang ay nagbahagi ng ilang mga paalaala sina Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) at Dra. Liza Ong (General Medicine) para sa kanilang mga tagasubaybay. Ang pag-ubo ay sintomas na mayroon kang sakit sa baga.



Depensa ito ng ating katawan upang mailabas ang mga dumi o plema sa loob ng nating baga. Ilan sa mga pagkain na makatutulong sa atin kung sakaling makaranas tayo ng sakit sa baga ay ang sibuyas na talaga namang mabuti sa ating “respiratory system”, gayundin naman ang bawang, ang pinagsamang honey at lemon ay mabisa rin.




Dapat din nating tandaan na malaki rin ang naitutulong ng mga pagkaing mayaman sa Vitamin A, Beta Carotene at Citrus Fruits. Ang “bronchitis” ay ang pamamaga ng “lining” ng tubo ng ating baga lalo na para sa mga taong naninigarilyo.




Maraming plema ang mga taong may ganitong uri ng sakit kung kaya naman makakatulong sa kanila ang pagkain ng bawang, sibuyas, onion leeks, honey, carrot, kalabasa, kamote. Asthma ay isang “form of allergy” kung kaya naman ugaliin rin ang pagkain ng orange, dalanghita, honey, yogurt, sibuyas at lahat ng mga uri ng gulay.






Kung nais mo namang tumigil na sa paninigarilyo ay mas damihan ang pag-inom ng tubig, mga prutas at gulay, mayaman sa Vitamin C at mga pagkaing mayaman sa Anti-Oxidants. Huwag din kakalimutang mamahinga upang matulungan ang ating mga “white blood cells” sa ating katawan.

Iwasang uminom ng purong kalamansi o purong lemon dahil sa maaaring sumakit ang inyong tiyan. Upang makaiwas sa ubo, sipon, trangkaso at pulmonya huwag dapat kalimutan ang wastong pag-ubo o pagbahing kung walang hawak na tisyu o panyo ay sa “sleeves” na lamang ng damit bumahing o umubo.

Ugaliin ding maghugas ng kamay lalo na ang mga bata dahil sa mas madalas silang makahawa kaysa sa mga matatanda. Bawal angmaraming mga dalaw maliban sa taong nag-aalaga sa may sakit.

Ang mga lugar na open air ay makatutulong rin para sa agarang paggaling ng may sakit. Ugaling kumain ng wasto at palakasin ang pangangatawan.


Source: Facebook