Kamakailan lamang ay nagbahagi na naman ng ilang mga paalala ang mag-asawang Doc Willie Ong at Liza Ong. Ito ay patungkol sa mga pagkain na dapat kinakain ng mga kalalakihan upang magkaroon sila ng maayos at mabuting pangangatawan.
Una na sa listahan ang pagkain ng matatabang isda o “fatty fish”. Ito ay makukuha sa mga isda tulad ng dilis, sardinas, bangus, tanigui, tuna, at tawilis.
Mayroong “omega fatty acids” ang mga ito na makatutulong laban sa stroke, sakit sa puso, hypertension, depre$$!on, joint pa!n, lupus, at rheumatoid arthritis. Ikalawa ang mga beans at munggo na mapagkukunan natin ng “fiber” at protina.
Mababa rin ang mga ito sa taba. Proteksiyon ito laban sa kanser at sakit sa puso. Ikatlo ang kamatis o “tomato sauce” na mayroong “lycopene”.
Mabisa itong panlaban sa sakit sa puso at “prostate canc3r”. Maging sa UV light ng araw ay maaari din itong panlaban.
Ikaapat, pulang karne o red meat, hindi taba. Makakuha tayo ng “amino acid leucine” sa red meat, nakapagpapatatag ito ng masel sa ating katawan.
Ngunit kumain lamang nito ng katamtaman. Sunod naman ang pagkain ng mga seafoods dahil sa zinc, mababang calories at mataas na protina. Malaki rin ang nitutulong nito sa “prostate”.
Kapag kulang sa “zinc” ang katawan ay mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng prostate canc3r. Ika-anim na pagkain na dapat nating tandaan ay ang saging at potassium.
Para ito sa mga nakakaramdam ng sakit sa kalamnan at pulikat. Pambawas rin ang saging ng sodium sa katawan upang mapababa ang blood pressure.
Berdeng mga gulay naman ang ikapito sa listahan. Mayaman sa antioxidants lutein at zeaxanthin ang mga berdeng gulay na mainam para sa ating paningin.
Habang ang mga “phytochemicals” naman ay nagpapataas ng cellular health at nakakatulong na mapababa ang tsansa ng pagkakaroon ng kanser. Ang mga gulay tulad ng karot, kamote, kalabasa at orange na bell pepper ay nagtataglay ng Vitamin C, lutein at Beta-carotene na nakapipigil ng kanser at sakit sa puso.
Source: Facebook
0 Comments