Mga Pulis tinuturuan ang mga Bata para masagot ang Kanilang mga Module!



Simula nang pumasok sa ating bansa ang pand3mya ay marami na ang nabagao sa ating buhay. Lahat ng tao ay naapektuhan, mapamatanda man o mapabata. May ilang negosyo na din ang nagsara at may ilan na din sa ating mga kababayan ang nawalan na ng trabaho.

Isa sa pinakamalaking pagbabago sa atin ay ang pag-aaral ng mga estudyante. Kung noon ay sa paaralan sila nag-aaral, ngayon ay sa bahay na lang at tanging learning modules at online class na ang paraan nila upang mapagpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante.



Marami ang nahihirapan sa bagong sistema na ito. Ang karamihan sa mga magulang ay nahihirapan din sa pagtuturo sa kanilaang mga anak dahil ang ilan sa kanila ay hindi din nakapagtapos ng pag-aaral. Karamihan din sa mga estudyante ang nahihirapan sa pagsagot ng kanilang mga modules.

Isang facebook post naman ang kumalat sa social media. Ayon kay Diana Beldosola, may mga kapulisan umano sa kanilang lugar na pabalik-balik upang tulungan ang mga bata doon na magsagot sa kanilang modules.

"Sa mga police malinta po nalaging pabalikbalik dto sa relis mga sir maraming salamat po sainyo kc tinotolongan nyo po mga anak nmin sapag module po sir salamat mabuhay po kau," ani ni Diana sa kanyang facebook post noong Abril 8.


Marami din sa mga netizen ang humanga sa mga kapulisan.

"Woww.....sana all lahat ng mga police ay sports lang sa lahat saludo po ako sa inyo mga sir....at mabuhay po kayo have a long live mga sir," ani ni Marilyn Grado Salang Beldosola sa kanyang komento.

"Madami padin mababait na police salute you po mga sir ingat palagi god bless you," ayon naman kay Jericho Pille.

Marami pa din sa ating mga kapulisan ay mayroong malasakit sa ating mga kababayan. Kung mayroon man na tiwali sa kanila, mas nangingibabaw pa din ang mabubuti.


Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments