Ang ilan sa mga rason kung bakit nasisira ang ating mga baga ay ang paninigarilyo at polusyon sa hangin. Dahil dito ay nagkakabutas-butas ang ating baga na maaari ring magdulot pa ng ilang mga sakit sa baga.
Kapag nagkaroon na ng sakit o impeksyon sa baga ang isang tao ay hindi na ito mawawala pa dahil sa sira na ito at palagi na siyang magkakaroon ng plema. Mayroong ilang mga pamamaraan upang mailabas ang plema at mapagaan ang pakiramdam ng isang taong mayroong sakit sa baga.
Una na rito ang “steam inhalation”, maaaring humigop ng mainit na sabaw o di kaya naman ay maligo ng mainit na tubig. Isang mabisang paraan din ang paglanghap ng usok ng bagong kulong tubig at sabay na magtalukbong sa bandang ulo gamit ang isang twalya at saka langhapin ang usok nito.
Mag-ingat lamang na hindi mapaso o masaktan. Ikalawang pamamaraan ang “control coughing”. Umupo ng maayos, huminga sa ilong at ilabas sa bibig.
Makalipas ang ilang sandali ay saka ilagay ang kamay sa bandang tiyan at saka umubo ng marahan nang tatlong beses upang lumabas ang makapal na plema. Huwag kalimutang masama ang sobrang pag-ubo.
Ikatlo naman ang “postural drainage”. Maaaring nakadapa, nakatihaya o nakatagilid sa loob ng limang minuto upang ma-drain ang plema at tuluyan na itong lumabas sa iyong katawan.
Pinapayo rin ang “deep breathing”, halimbawang paghinga sa ilong ng apat na bilang at paglabas ng hangin sa bibig ng walong bilang. Ikaapat naman ang “chess clapping”, dapat ay naka-“cap” ang hugis ng kamay upang hindi masaktan ang pasyente.
Kailangang maalog ang plema sa loob ng katawan upang agad itong mailabas dahil posible pa ang pagdami ng bakterya at paglala ng ubo kapag hinayaan lamang. Ikalima, malaking tulong rin ang pag-eehersisyo upang mas dumami ang “oxygen level” sa katawan.
Ikaanim naman ang pagkain ng masusustansiyang pagkain tulad na lamang halimbawa ng karot, kalabasa, kamote, kamatis, papaya, orange, dalandan, kalamansi, lemon, green tea, “plaintain leaf”, “fish & poultry”, “walnut”, luya”, “beans”, mansanas, “pistachios”, apricot, broccoli, at Mullein tea. Huwag ring kalimutan ang uminom na 8 hanggang 10 baso ng tubig. Maging ang pag-awit at pagkanta ay makakatulong rin.
Source: Youtube
0 Comments