Mga pagkaing pampayat na dapat nating kainin, libreng payo mula kay Doc Willie Ong!





Babae man o lalaki, matanda man o bata, marami sa atin ang nagnanais na makapagbawas ng timbang. Ngunit nakakalungkot lamang isipin dahil sa hindi lahat tayo ay kayang gawin ito sa araw-araw nang walang palya.

Lalo na para sa mga taong sadyang napakaabala sa araw-araw. Kung kaya naman maaari mo ring subukan ang ilang mga pagkain na ito na makakatulong upang mabawasan ang iyong timbang at tuluyan kang pumayat.



Kamakailan lamang ay nagbahagi ang doktor ng masa na si Doc Willie Ong ng ilang mga pagkaing pampapayat na maaari nating subukan:

ENSALADA AT MGA GULAY – Ang mga gulay ay nagtataglay ng mataas na “fiber”, nakakabusog ito sa kakaunting calories lamang. Ayon rin sa “Journal of the American Dietetic Association ay lumabas sa kanilang pagsusuri na ang mga taong kumakain ng ensalada ay mayroong mataas na level ng anti-oxidants sa kanilang dugo.







GRAPEFRUIT AT SUHA – Ang pagkain ng grapefruit tatlong beses sa maghapon ay nakapapayat ng 4 pounds sa loob lamang ng 3 buwan ito ay ayon sa naging pag-aaral ng mga dalubhasa sa Louisiana State University. Bagamat walang grapefruit sa ating bansa ay maaari namang maihalintuad rito ang “suha”. Ang acid mula sa mga prutas na ito ay makakatulong upang mapabagal ang ating “digestion” at mas matagal nating mararamdaman na tayo ay busog pa.






MANSANAS – Ayon naman sa ilang mga siyentipiko sa Penn State, ang mga taong kumakain muna ng mansanas bago kumain ng tanghalian ay makababawas ng 187 calories sa dami ng kanilang kinain. Ang mansanas ay mayroong “pectin” na isang klase ng fiber na nakabababa ng cholesterol at asukal sa dugo. Bago kumain ng tanghalian, kumain muna ng mansanas o suha.

PERAS – Ayon sa isang naging pag-aaral sa Brazil, ang mga taong kumakain ng tatlong peras sa isang araw ay mas mababa ang timbang kaysa sa mga taong hindi kumakain nito. Ayon din sa “U.S. Food and DrÃœg Association” ay mas maraming fiber ang peras kaysa sa mansanas kung kaya naman mas mabubusog ka kapag kumain ka nito.

ITLOG – Ang pagkain ng itlog sa almusal ay mabisa ring paraan upang makapagbawas ng timbang. Mas busog daw ang pakiramdam kapag kumakain nito sa umaga kung kaya naman mainam itong almusal. Ayon naman sa “American Heart Association” ay limitahan lamang ang pagkain ng isang itlog sa isang araw upang hindi tumaas ang kolesterol.


SAGING – Minsan nang naging usap-usapan ang “banana diet” sa Japan kung saan maraming mga tao ang sumubok sa diyetang ito upang pumayat. Mayroong Pilipinong exercise instructor ang pumayat ng 50 pounds dahil lamang sa pagkain ng saging. Malaking tulong rin ang saging sa taong may ulcer dahil sa “flavonoids” nito, sa mga taong nag-e-ehersisyo dahil sa taglay nitong “po¬tassium” at sa mga taong nalulungkot dahil sa taglay nitong “tryptophan”. Maaaring kumain ng 1 hanggang 2 saging sa maghapon. Maaari din itong gawing meryenda.

Source: Facebook





Post a Comment

0 Comments