Watch! Ivana Alawi, Handang Harapin ang Kas0 na Pinag-usapan Tungkol sa Kanyang 'Street Prank'


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang ginawang 'prank' o content ni Ivana Alawi na mag-anyong pulubi at humingi ng tulong sa iba at ginawa niyang x1,000 ang halaga ng ibingay sa kanya.

Marami ang natuwa sa kanyang ginawa dahil nakatulong siya lalo na kay Tatay Joselito na isang puto at kutsinta vendor na nagbigay kay Ivana ng P20 at nag-offer pa sa kanya na bibilhan siya ng maiinom na softdrinks. Dahil dito, bumuhos ang luha niya at naantig ang kanyang puso.


Sa ikalawang pagkakataon ay nagkita si Tatay Joselito at Ivana dahil binilhan niya ng groceries at mga gamit sa bahay si Tatay Joselito. Nang matulungan naman ni Ivana si Tatay Joselito ay namahagi din ng biyaya si Tatay Joselito sa kanyang kapwa.

Marami man ang natuwa ay may ilan din na hindi sang-ayon sa ginawa niya sa nasabing content o prank. Naging maingay din ang usap-usapan kamakailan dahil isang abogado ang nagsabi na maaari siya makasuhån sa kanyang ginawang pamamalimos.

Maaaring maharap si Ivana sa kas0ng Anti-Medicancy Law kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang manglimos o magpalimos dahil maaaring pagmulan ng krimèn.


Ayon naman sa video na inupload ni Ivana sa kanyang Youtube channel na may pamagat na 'Filipino Breakfast Mukbang + Diamond Button' ay sinabi niyang handa siyang harapin ang kas0 na maaaring isampå sa kanya.

Sa content na ito ay sabay-sabay na kumakain ng almusal ang pamilyang Alawi habang sinasagot ang mga katanungan sa kanila.

Ayon sa tanong, "Ano masasabi mo sa gusro kang kåsuhan sa ginawa mong street prank?"

"Kung may nalabag akong batas, edi kasuhån na lang nila ko. Haharapin ko 'yon, lalaban ako."

"Kase para sakin I didn't do anything wrong ang intensyon ko lang is just to help out and to inspire people."

"Na-realize ko sa buhay no matter what you do may kung may nagawa kang maganda may nagawa kang hindi maganda may masasabi sila."

"Pero 'wag yung gagamit-gamitin lang ako parang as a content." Dagdag pa niya para sa mga tao na ginagawa siyang content para lamang madami dumami umano ang views.


Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments