Sa naging pahayag ng aktres na si Angel Locsin sa TV Patrol nitong Biyernes ng gabi ay hindi na napigilan ng aktres na maiyak dahil sa insidenteng nangyari sa kanyang community pantry. Layunin sana niya na magbigay ng tulong sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City kasabay ng kanyang kaarawan ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay dinagsa ng maraming tao at may isang matandang lalaki pa na binawian ng buhay.
Nais lamang sana niyang tumulong sa kapwa ngunit hindi naging maganda ang kinalabasan nito. Aminado naman ang aktres sa kanyang nagawa. Inisip niya na baka dahil sa pag-post niya sa social media tungkol sa kanyang community pantry kaya dinagsa ito ng maraming tao. Hindi niya inaasahan na dadagsain ng maraming tao at may babawian ng buhay ang ginawa niyang community pantry dahil alam niya na bawal lumabas ang mga senior citizen.
Sa naulilang pamilya naman ng matandang lalaki na binawian ng buhay dahil sa init at atåke sa pus0 ay humingi ito ng tawad at nangakong tutulong kung ano man ang pangangailangan o suporta na dapat niyang ibigay.
Ayon din sa kanyang naging pahayag ay hindi na siya uulit at magtatayo ng community pantry dahil nadala na siya sa insidenteng nangyari. Masasabi din na marahil ay hindi naging masaya at maganda ang kanyang naging kaarawan dahil sa pangyayaring ito.
Maraming netizen naman ang malaki ang paniniwala sa kanya na malinis ang kanyang intensyon at hindi niya ginusto ang nangyaring insidente. "Napaka bait mo angel locsin may his soul rest in peace.
Saludo ako sayo kasi humingi ka ng tawad sa pamilya ni lolo.gindi mo kasi akalain ang dami ng taong gutom at gusto maka kuha ng mga pagkain. Hayaan mo si lord ang nakaka alam sa ginagawa mo.ipagpatuloy mo ang iyong kabaitan," ayon sa isang netizen na nagkomento sa naturang video.

Source: Noypi Ako
0 Comments