Watch | Grupo ng Kababaihan na Sumimot sa Laman ng Community Pantry, Tutulungan ni Idol Raffy!



Kilala si Raffy Tulfo bilang "Hari ng Public Service" dahil sa walang sawang pagtulong nito sa mga taong nanganganilangan ng tulong pangpinansyal, at sa mga taong naaapi. Sa ngayon ay mayroon ng 19.5 million subscribers ang kanyang Youtube channel dahil sa dami ng umiidolo sa kanya.

Kamakailan lamang ay nag-viral ang isang video kung saan may anim na kababaihan ang pumunta sa lamesa ng "community pantry' at inubos ang laman nito.


Lubos naman ang natatanggap ng mga kababaihan na pang-iinsult0 at panghuhusgå gaya ng mågnanakåw daw sila at mga påt4y gutom. Maging ang mga anak at asawa nila ay nadadamay na din daw.

Ayon kay Idol raffy, sumosobra na daw ang ginagawang panghuhusgå ng mga netizen sa anim na kababaihan na sangkot sa nag-viral na video kung saan makikita inubos nila ang laman ng "Kapitolyo Community Pantry".


Kahit na sabihin daw kay Idol Raffy ng taumbayan na huwag tulungan ang anim na kababaihan ay tutulungan pa din daw niya ang mga ito. Nagkamali man ang anim dahil sa pag-ubos ng pagkain sa lamesa ay pinagsisihan naman daw nila 'yon.

Sinabi din ng grupo na ibinahagi din naman daw nila ang mga nakuha nila sa kanilang kapitbahay. Aminado naman sila na nagkamali ngunit sana ay tigilan na ng mga tao ang paghuhusgå sa kanila lalo na sa kanilang pamilya dahil lubha ng naaapektuhan ang kanilang mga anak at asawa.


Mariin namang sinabi ni Idol raffy ang "Sobra na, tama na" sa mga tao dahil sumusobra na daw ang mga hindi magaganda sinasabi nila sa grupo at pamilya nila. Ayon sa pananaliksik pa ng programa ay lubhang hindi na kaaya-aya at hindi na maganda ang mga paratang ng mga tao sa anim na kababaihan. Sana daw ay tigilan na ng mga tao ang ginagawa nila.

Sinabi din na bukod sa pagkuha ng anim na babae ng pagkain ay wala ng nakikitang maling ginawa si Idol Raffy. Mas nakikitaan niya ng mali ang mga taong mapanghusgå sa anim na kababaihan.


Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments