Samahan ng mga Bukas palad Namigay ng Libreng Groceries sa mga Mahihirap.



Sa panahon ngayon ay kinakailangan na ang bawat isa sa atin ay magtulungan dahil marami na ang naaapektuhan lalo na ang mahihirap. Kung noon ay nahihirapan na sila sa pagbangon, paano pa ngayon na maraming negosyo na ang nagsasara at maraming empleyado na ang natatanggal at nawawalan ng trabaho.


Isang organisasyon naman ang bukas-palad na naghandog ng tulong sa mahihirap. Layunin ng organisasyon sa Las Piñas ang magbigay ng groceries sa mga tao na lubos nangangailangan.

Ibinahagi ni Lovely Sotto ang ilang larawan sa Facebook noong Abril 9. Kakaiba at nakakalambot ng pus0 ang nangyari sa kanya noong siya ay nag-volunteer sa Pamplona Tres Branch.


"Nakakatuwa 'yung iba na pumunta kanina kasi sinasabi nila 'Bibilisan ko lang po kumuha para po makakuha rin yung iba.' Kahit hirap na sa buhay, iniisip parin nila yung kapwa," sabi pa niya.

Ani ni Sotto ay ang organisasyong ito ay proyekto na pinapangunahan ng Members of the Church of God International (MCGI).

"Ang mayaman pag tumulong sa kapwa, mabuti yun. Pero pag ang mahirap, tumulong sa kapwa mahirap, extraordinary yun," dagdag pa niya.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments