Marami na ang mga Pilipino na tumutulong sa kanilang kapwa sa pamamagitan ng paggawa ng 'community pantry' para sa mga taong kapos at salat sa buhay. Layunin ng 'community pantry' na magbigay ng tulong sa ating mamamayan lalo na sa panahon ngayon na may kinahaharap tayong pand3mya.

Inumpisahan ito ng Maginhawa Community Pantry na isa sa barangay sa Quezon City. Naging inspirasyon ito sa karamihan sa mga Pilipino na tululong sa iba sa pamamagitan ng nasabing community pantry.


"Magbigay ayon sa kakayahan, Kumuha batay sa pangangailangan." Ito ang kataga na pinanghahawakan ngayon ng mga 'community pantry. Ibigsabihin nito ay kung ano ang kaya mong itulong ay 'yon ang ibigay mo. Hindi batayan kung malaki o maliit ang tulong basta sa abot lamang ng iyong makakaya at bukas palad ang iyong pagtulong.

Para naman sa mga tao na nais kumuha ng pagkain na nakalagay sa community pantry ay kumuha lamang ng naaayon sa pangangailangan dahil marami din ang nagugut0m na nais kumuha.


Isang larawan naman ang hinangaan ng maraming netizens. Isang taho vendor ang nagbahagi ng kanya sanang paninda sa mga tao.

Maraming tao na nga ang nai-inspire na tumulong. Parami na ng parami na at kumakalat na sa ating bansa ang mga gumagawa ng nasabing pagtulong na ito. Lubos na nakakataba ng pus0 na marami pa din sa atin ang bukas palad na tumulong sa ating mga kababayan. Minsan, nagpapatunay lamang ito na kung sino pa ang mga wala at lubos na nangangailangan ay sila pa ang handa at bukas palad na tumulong.


Ayon sa facebook page ng Explained PH, "LOOK: A taho vendor is spotted placing some cups of his product on a table of a community pantry at Brgy. Panamitan, Kawit, Cavite, which drew inspiration from the Maginhawa stall in Quezon City. "

Narito ang kabuuang facebook post sa naturang page:


Source: Noypi Ako