Watch | 17-Anyos na Raketera, Nag-Ipon Para Makapagpatayo ng Bahay Para sa Kanyang Ama na may Karamdaman!



Isang biyaya ang pagkakaroon ng isang buong pamilya ngunit ito ang ipinagkait sa 17-anyos na dalaga na si Clara. Siya at ang kanyang ama lamang ang magkasama sa buhay. 3-taong gulang pa lamang umano si Clara nang ma-str0ke ang kanyang ama. 14-taon na ang nakakalipas simula noong ma-stroke si Tatay kaya bata pa lamang ay natuto na si Clara na magpursige sa buhay dahil iniwan din sila ng kanyang ina.



Sa video na inupload ng VirgelynCares Youtube Channel ay talagang nakakataba ng pus0 ang pagmamahal ni Clara sa kanyang ama. Noon daw ay nakita ng nasabing Youtube channel sa isang panaderya si Clara.

Nang mabalitaan ng VirgelynCares na may sinusuportahan ni Clara ang kanyang ama na may karmdaman ay pinuntahan niya ito sa kanilang lugar upang magbigay ng tulong at tingnan ang sitwasyon ng mag-ama.


Pag-oonline selling, pagtitinda ng beauty products at pagtitinda ng meryenda ang pinagkakakitaan ngyon ni Clara. Doble ang pagkayod niya dahil sa kanya din umaasa ang kanyang ama. Iniwan man sila ng kanyang ina ay hinding-hindi niya iiwan ang kanyang ama dahil mahal na mahal niya ito.

May galit si Clara sa kanyang ina ngunit hinahanap pa din niya ito dahil iba daw ang pakiramdam ng may isang ina at nais niya din na mabuo ang kanyang pamilya.


Nag-abot naman ng tulong ang VirgelynCares kay Clara na nagkakahalaga ng P10,000. Ayon sa Youtube Channel na ito ay ipinaabot ang tulong na ito para kay Clara na galing pa sa mga OFW. Lubos naman ang pasasalamat ng mag-ama.

Mapapanood din sa video na ito na hindi napigilan ng mag-ama na maiyak dahil sa hirap ng kanilang pinagdadaanan. Panoorin ang nasabing video dito:


Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments