Isang Netizen nais Ipa-Lala Move ang Tulong na Hinihingi sa isang Community Pantry!



Matapos na mag-viral ang 'Maginhawa Community Pantry' na ang layunin ay magbigay ng tulong at bukas para sa mga nais na tumulong, sunod-sunod na ang nagtayo ng mga community pantry sa iba't ibang sulok na bansa. Sa bawat community pantry ay may nakasulat na mga katagang "Magbigay ayon sa kakayahan, Kumuha batay sa pangangailangan" na isang malaking impact sa mga Pinoy.


Isa namang organizer ng community pantry na si Sofia Madrigal ang nawindang sa isang tao na nagngangalang Mel Fajardo na humihingi ng tulong sa kanilang community pantry. Dahil malayo umano si Mel sa naturang community pantry na inorganisa nila Sofia ay tinanong nito kung ayos lang ba na ipa-Lala move na lamang ang tulong sa kanila.

Agad namang sinabi ni Sofia na ayos lang nhgunit nang sinabi ni Mel na 16 silang magkakamag-anak na nangangailangan ng tulong ay malungk0t na ipinaalam ni Sofia na hindi ito kaya ng kanilang community pantry dahil kakapusin na umano sila.



Sinabi naman niya na makakapag-abot sila ng tulong ngunit sa second batch pa. Sinabi naman ni Mel na huwag na lang sila magbigay ng tulong. Tila napik0n naman si Sofia nang sabihin ni Mel na sana ay hindi na lamang nag-community pantry sila Sofia.



Umabot naman ng libu-libong shares ang naturang post sa social media. Matatandaan na nag-viral din sa social media ang anim na kababaihan na sinimot ang laman ng isang community pantry.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments