Pagkaing maaalat at pagdaragdag ng asin sa pagkain, hindi maganda sa ating kalusugan ayon kay Doc Willie Ong





Tayong mga Pilipino ay lumaki sa pagkain ng simple ngunit masasarap na mga putahe. Kung ang ibang bansa ay mayroong mga “side dishes”, tayong mga Pilipino ay hindi magpapahuli lalo na sa mga masasarap na sawsawan.



Talaga namang napakarami nating sawsawan na mas nagpapasarap pa sa ating mga lutong ulam. Nariyan na ang bagoong, kalamansi at patis o di kaya naman ay kalamansi at toyo, hindi rin mawawala ang suka na mayroong maraming sili.

Kamakailan lamang ay ibinahagi nina Doc Willie at Doc Liza Ong sa kanilang Facebook page ang pagbabawas ng alat sa pagkain dahil sa hindi talaga ito makabubuti sa ating katawan. Maaari kasi tayong magkaroon ng mga sakit tulad ng “high blood pressure”, sakit sa atay, sakit sa “kidney”, paghina ng puso at pagmamanas ng paa.




Narito ang ilang mga benepisyo ng pagbabawas ng alat sa ating pagkain:




    1. MAS BABABA ANG IYONG “BLOOD PRESSURE” – Marami sa atin ang mayroong “altapresyon” lalo na sa mga nakatatanda kung kaya naman ang pagbabawas ng alat sa ating mga pagkain upang makontrol ito. Ayon na rin sa ilang mga pag-aaral ay maaaring bumaba ng halos 20 puntos ang presyon ng dugo kung iiwasan na ang mga maaalat na pagkain. Posible rin na mabawasan na ang iyong mga gamot sa “altapresyon” kung tuluyan kang iiwas sa maalat na pagkain.
    2. MABABAWASAN ANG TYANSA NG ATAKE AT ISTROK – Sa pagbaba ng “high blood pressure” ay hindi na mahihirapan pa ang puso kung kaya naman maiiwasan ang tyansa ng atake sa puso.
    3. MAIIWASAN ANG SINTOMAS NG “HEART *******” AT MANAS – Malaking tulong ang pagbabawas ng asin sapagkain upang mabawasan ang pagmamanas ng paa, pamamaga ng mukha at tiyan.
    4. May ilang pagsusuri na nagsasabing maaaring makatulong din sa mga sakit na diabetes, Alzheimer’s *******, osteoporosis, stomach ******, at asthma ang pagbabawas ng asin. Pinag-aaralan pa ang mga ebidensiya ukol dito.





Post a Comment

0 Comments