Tips para lumiit ang bilbil, payo nina Dr. Willie at Dra. Liza Ong





Kung nais mong lumiit ang iyong bilbil ay mas ugaliing tumayo. Sa edad kasi na 30 hanggang 40 na taong gulang ay bumabagal na ang metabolism ng ating katawan.



Ang “metabolism” ay ang proseso kung saan ang ating mga kinakain at iniinom ay ginagawang enerhiya ng ating katawan. Dahil sa kakaunti na lamang ang ating mga ginagawa sa ngayon ay mas nagiging malaki ang ating mga bilbil.

Maaaring gawin ang “stomach crunches” tatlo hanggang sampung beses sa loob ng isang linggo. Hindi lamang ito mainam sa tiyan kundi maging sa ating likod.






Maaari din namang uminom ng isang basong tubig bago kumain upang mas konti ang iyong makain. Magbibigay kasi ng mensahe ang ating utak na may laman pa ang tiyan kung kaya naman mas kakaunti ang makakain ng isang tao.



Iwasan ang alak dahil sa nakakataba ito. Mataas ang calories ng alak na nagiging dahilan ng paglaki ng tiyan. Nakakalaki din ng tiyan ang pagkain ng “chewing gum”, “carbonated drinks”, at madalas na paglalagay ng asin sa pagkain.

Mabisa ang pagtulog ng maaga upang lumiit ang tiyan dahil kung palaging puyat ay nanaisin na lamang ng katawan na kumain ng kumain upang magkaroon pa ito ng enerhiya sa buong oras ng pagpupuyat. Narito pa ang ilan sa mga tips na dapat tandaan kung nais talagang tuluyan nang lumiit ang tiyan o bilbil:

      1. BAWASAN ANG PAGKAIN NG KANIN AT SITSIRYA – Nakakalaki ng tiyan ang pagkain ng maraming kanin lalo na kung isasangag pa ito. Maging ang pagkain ng mga “junk foods” ay nakakapagpalaki rin ng tiyan kung kaya naman dapat itong iwasan hangga’t maaari.
      2. KUMAIN NG MAS MABAGAL, PARA MAS MADALI KANG MABUSOG – Hindi makatutulong ang pagkain ng mabilis upang lumiit ang iyong tiyan kung kaya naman kumain ng maayos at nguyain ng mabuti ang pagkain upang maiwasan ang tuluyang paglaki ng tiyan.
      3. MAG-EHERSISYO NG 3 HANGGANG 4 NA BESES KADA LINGGO. PALAKASIN ANG MASEL SA TIYAN, TULAD NG STOMACH CRUNCHES
      4. MAGKAROON NG TAMANG TINDIG
      5. UMIWAS SA MATATAMIS TULAD NG ICED TEA, POWDERED JUICE, AT SOFT DRINKS.





Post a Comment

0 Comments