Panoorin | Mother's Day Balloon Surprise Prank: "Pera na, Lumipad pa!"



Viral ngayon sa social media ang video ng isang ina na sinurpresa ng kanyang mga anak. Naging katatawanan ang nangyari sa video dahil ani nila; pera na, lumipad pa. Sa videong ito makikita na may isang lobo na malaki at nakatali ng ribbon. Dahan-dahan tinanggal ng ina ang ribbong sa pagkakatali nang unti-unti namang lumabas ang nakasabit na pera.


Ngunit hindi inaasahan ang sumunod na nangyari dahil hindi nakahawak si Nanay sa lobo kaya naman lumipad ito kasama ang mga perang nakasabit.

Narito naman ang ilang naging komento ng mga netizens:

"Hindi man nila sinabihan hawakan yung lobo malay ba ni nanay na may pera yun.. Gulat nga sya ehh"

"Ako ay may lobo lumipad sa langit"

"ako ay may lobo. may kasamang 3 libo. diko na nakita lumipad na pala. sayang lang pera ko ang regalo sakin mothers day pa naman. ang lungkot ko naman."



Makikita naman sa video ang panghihinayang ni Nanay sa perang lumipad kasama ng lobo. Sa kabilang banda, ibinahagi ni Lea DaVinci Buan Carlos ang larawan ni Nanay na may hawak na pera. "It's a prånk"


Hindi pala totoong pera ang lumipad at nais lamang ng kanyang mga anak na i-prånk si Nanay. Happy Mother's Day Nanay! At Happy Mother's Day din sa lahat ng ina sa buong mundo.


Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments