Watch | 83-Anyos na Lola, Lumapit sa Isang Rider Upang Humingi ng Pangkain Dahil sa Gütom!


Marami sa ating mga kababayan ang nagtitiis ng gut0m dahil sa kakapusan sa pera. Minsan ay isang beses lamang sila kumain sa isang araw at swerte pa kung makakain sila. Isang rider naman ang nagbahagi ng isang nakakahabag na kuwento tungkol sa lola na kanyang nadaanan na hindi pa umano nananghalian nang mga oras na 'yon.


Nahabag ang food rider at vlogger na si Denso Tambyahero sa isang lola na may edad na 83-anyos. Ayon sa rider, lumapit umano ang matanda sa kanya upang manghingi ng P5 dahil nagugut0m na ito. Agad naman niyang binigyan ng isang latang biscuit ang matanda at binigyan rin niya ng P500.

Gut0m at wala nang makain si Lola ng mga panahon na iyon, mabuti na lamang ay nagkita sila ng rider na ito at nabigyan siya ng tulong. Ayon kay Lola, biyuda na siya at ang kanyang mga anak ay lumayas na kaya siya na lamang ang mag-isa sa kanyang tahanan.



Isang lalaki naman ang naroon para kay Lola at nagsisilbing taga-hatid sa bahay nito sa tuwing siya ay lumalabas ng bahay.

Labis naman ang pasasalamat ni Lola sa rider at sinabing ipagdarasal niya ito. binanggit rin ni Lola sa rider na may nag-aabot naman sa kanya at agad din siyang pumupunta sa simbahan upang ipagdasal ang mga ito. Makikita rin sa mga mata ni Lola ang lungk0t habang siya ang nagbabahagi ng kanyang istorya sa buhay at mga pinagdaraanan.


Marami rin sa mga netizens ang nahabag sa sitwasyon ni Lola.

Kawawa naman si lola sna sa mga anak paalala lng wg natin hayaan mg isa ang ama o ina natin lalo kung tumanda na.tandaan natin na iisa lng ang magulang natin."

"Idol denso sana mapuntahan mo yung bahay ni lola para matulungan mo pa ulit.. mas kelangan nya ng tulong idol."

"Kawawa naman si nanay,kahit sana mahiråp ang buhay wag pabayaan ang magulang."


"Nadur0g ang puso k0 ng makita ko ganyan si Lola. Sana nmn sa mga anak nya pangalagahan nyo mga magulang nyo."

"P0teks dur0g pus0 ko tulo pa luha ko."

Sana ay may taong mabuti rin ang kalooban tulad ng rider na ito at tumulong kay Lola. Sana ay maging ligtas siya sa kanyang pang araw-araw at humaba pa ang buhay nito.


Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments