Isang nakakamanghang episode ang naitampok sa I-witness nitong Mayo 7. Sa episode na ito ay hindi naging mahalaga sa kanya ang malaking sahod na makukuha sa mga ospital dito sa Maynila. Ang lubos na mahalaga sa kaniya ay ang makatulong sa kanyang mga kababayan na alam niyang mas nangangailangan ng kanyang tulong.


Ayon sa programa ng I-witness, marami mang oportunidad ang nagbukas para kay Dr. Paul "Tipoy" Villarino nang mapabilang siya sa topnotchers noong March 2019 Physician Licensure Exam, mas pinili niya pa rin ang magsilbi sa liblib na bayan ng Godod, Zamboanga del Norte kung saan siya lumaki.

Madaling araw pa lamang ay naglalakbay na umano si Doc Tipoy at kung minsan ay kailangan pa niyang tumawid ng ilog para lang makapaghatid ng serbisyong medikal sa kanyang mga kababayan.



Pinatunayan lamang ng doktor ang pagmamahal niya sa kanyang mga kababayan dahil mas ninais niya ang makatulong sa kanyang kinalakihan dahil nakikita niya kung ano ang kailangan ng mga tao dito. Marami naman ang napabilib sa ginawa ni Doc Tipoy at lubos na sumasaludo sa kanya.


"Snappy Salute & God Bless you more and more doc. Ito patunay at cguradong puno ng pagmamahal hinde lang ng mga magulang nya kondi ng buong community nya.. Kitang-kita ang ebedensya eh. Mabait at mpagmahal sa mga kababayan."

"May the Almighty Bless You Doc, and continue to inspire and help more people in need esp. in these trying times. He could have applied a residency abroad and become a permanent resident and triple.his salaray but he still chose to remember his own people and give back to them! Very inspiring!"


Source: Noypi Ako