11-Anyos na Bata, Binawian ng Buhay Dahil sa Rabies; Ama, Ikinagulat ang Nangyari!



Ang råbies ay nakukuha sa mga hayop na walang bakuna at kadalasan sa mga pagala-galang aso. Kamakailan lamang ay nag-viral ang balita na may isang 11-anyos na batang lalaki ang binawian ng buhay matapos na makagåt ito ng aso. Ngunit, dahil sinekreto o hindi sinabi sa kanyang mga magulang na nakagåt pala siya ng aso.




Ayon sa kwento ng kalaro ng bata, isang linggo na halos ang nagdaan nang makagåt umano ito ng aso. Kinilala ang bata na si Poul Amber Bantillo na nakatira sa Marilao, Bulacan.

Base sa ulat ng GMA News, itinanggi umano ni Poul na nakagat siya ng aso. Napansin ng pamilya ni Poul na nagbago ang kanyang kinikilos. Hindi umano nakakakain ng maayos ang bata at palagi itong balisa. At isa pa sa labis nilang ikinabahala ay hindi na umano umiinom ng tubig si Poul.





Hanggang sa tuluyan nang nag-lock ang panga ng bata. Ayon naman sa kaanak ni Poul, nagtatatakbo umano ang bata nang dumating ang ambulansya. Nang madala sa ospital si Poul, doon na itinali ang bata at nakumpirma ng mga doktor na rabies ang sanhi ng mga kakaibang ikinikilos ng bata.

Patuloy pa itong nagwawala hanggang sa bawian na ito ng buhay. Labis naman ang paghihinagpis ng mga naulilang pamilya ni Poul lalo na ng kanyang ama.




Ayon sa datos ng DOH-NEC, nasa 200 hanggang 250 umano ang bilang ng mga binabawian ng buhay kada taon dahil sa råbies.

Kung nakagåt ng hayop tulad ng aso ay may mga dapat tayong isaalang-alang. Dapat na agad hugasan ang nakagåt na bahagi ng katawan, lagyan ng alcohol, povidine iodine o kahit anong antiseptic, iwasang maglagay ng ointment at magpaturok na agad ng ati-rabiës.




Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments