Estudyanteng Mali-mali sa Pagsasalita ng English, Nakapagtapos sa Kolehiyo Bilang Magna Cum Laude at Isa Nang Negosyante!




Ang ilan sa atin ay nakakaranas ng diskriminasyon katulad na lamang ng pagkakaroon ng maitim na balat, pangong ilong, maliit, mataba o payat. Ang iba pa ay nakakaranas ng pang-iinsulto gaya ng pagiging 'barok' sa pagsasalita ng ingles. Dahil dito, ang ilan sa kanila ay bumababa ang tingin sa kanilang sarili at may ilan naman na ginagawang inspirasyon ang natatanggap na pang-iinsult0 upang mas maging maayos ang buhay.




Ibinahagi ng isang negosyante na kinilalang si Mimi ang kanyang naging journey sa pagkamit ng kanyang pangarap kahit na siya ay mali-mali o 'barok' noon sa pagsasalita ng ingles.

"I have dyslexia so I often have spelling errors tapos di rin talaga ako magaling sa grammar and syntax so I used to shy away from posting in English," sabi ni Mimi.

Inamin niya na nahihiya siya noon na magkamali lalo na dahil sa mga Pinoy [hindi lahat] na mahilig magtama ng mga mali sa harap ng maraming tao. "Kahit sa TV, punchline lagi ang “barok” mag English."





Nabago ang kanyang pagiging 'barok' sa english nang mag-aral siya sa Japan. Sinabi pa ni Mimi na kahit 'barok' siyang mag-ingles doon ay hindi naman siya nakakaranas na diskriminåsyon.

Ang post na kanyang ibinahagi ay hindi para magålit siya sa mga taong nangdiskriminå sa kanya bagkus ay ipamulat sa mga Pinoy na mas dapat maging maayos ang pakikitungo sa mga taong nagkakamali sa pagsasalita ng ingles.




"I am writing this to encourage people to be kind to people who commits spelling and grammar errors. YOU DON’T KNOW WHAT HINDERS THEM FROM LEARNING ENGLISH."

Kung nais na itama kung ano man ang pagkakamali ng isang tao ay dapat sabihin na lamang ng pribado at hindi na para ipahiya pa ito at itama sa maraming tao.

Marami man ang pagsubok na dumating kay Mimi ay naging masaya pa din siya dahil sa huli ay naging matagumpay siya sa kanyang paglalakbay kahit na nakaranas siya na hindi maganda trato sa iba lalo na sa kalahi pa niya.




Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments