Isang Matiyagang Lola na Nagtitinda sa Tabi ng Kalsada, Inulan ng Tulong!



Hindi maipagkakaila na mas dumami ang mamamayan nating naghihirÄp ngayon dahil sa pand3myang kinahaharap ng ating bansa. Sa ngayon ay kanya-kanya ang marami sa atin kung paano at anong paraan ang gagawin upang kumita ng pera para may makain sa araw-araw. MahirÄp man ay matiyagang nagtitinda ang isang matandang babae sa gilid ng kalsada.


Sa post na ibinahagi ng concerned netizen na si John Mark Cayao noong Mayo 25 ay lubos umano siyang nagpapasalamat sa dalawang tao na tumulong kay Nanay. Pinakyaw umano ang paninda nito at binigyan ng pera pandagdag sa puhunan at pambili ng kanyang mga gam0t.

Masayang masaya ang naging reakson ni Nanay dahil malaking tulong at biyaya na ang kanyang natanggap. Sino bang mag-aakala na may mabubuting tao pala na dadaan lamang sa kalsada at magbibigay na ng tul0ng sa isang matanda na naghahanap-buhay?


Tunay ngang nangingibabaw pa din ang kabutihan ng mga Pinoy. Kadalasang lumalabas ang 'bayanihan' ng mga Pinoy sa tuwing may pinagdadaanan ang marami sa atin lalo na sa panahon ngayon ng pand3mya.


Narito ang post na ibinahagi ni John Mark Cayao:

"Magandang Araw po.. Nais ko po magpa salamat sa Dalawang tao po nagpa abot ng tulong kay Nanay... Para pakyawin ang tinda nya at bigyan pa ng konting halaga para pandagdag sa puhunan at pambili ng mga pagkain at gamot.. At sa Groceries po na pinadala nyo po... Tuwang tuwa po si Nanay Dahil nakauwi siya ng maaga para maka pahinga.."


Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments