Masipag na Estudyante, Nagpaantig sa Puso ng mga Netizens Dahil sa Gamit Nitong Imrovised Ballpen



Isa sa pinaka mahalaga sa mga kabataan ay ang mabigyan sila ng edukasyon upang sa kanilang magiging hinaharap ay maging maganda at maayos ang kanilang kinabukasan. Gayunpaman, may ilan sa mga kabataan ngayon ang hindi magawang makapag-aral dahil sa kakulangan ng pera at pagiging salat sa buhay. May ilan naman na pinipilit pa rin na makapagtapos kahit na walang pera.




Labis naman namangha ang mga netizens sa kwento ng isang bata na kinilalang si Jan Kim matapos na mag-viral ang kanyang larawan. Siya ay isang Grade 2 student na nag-aaral sa Union Elementary sa Sta. Rita, Samar.

Napansin naman ng guro ni Jan Kim ang kakaibang ballpen na ginagamit nito. Noong una ay hindi niya ito agad napansin ngunit kinalaunan ay nakita niya ang improvised ballpen na ginagamit panulat ni Jan Kim.





Gawa sa ink chamber na nilagay sa kapirasong kahot at tinalian ng goma. Nang tanungin siya ng kanyang guro kung bakit ito lamang ang ginagamit niyang panulat ay ang tangng sinagot lamang ni Jan Kim ay napulot lamang niya ang sirang ballpen at ginawa na lang niya ito ng paraan.

Dahil Grade 2 student pa lamang siya ay hindi dapat siya gumamit ng ballpen ngunit dahil nakiusap si Jan Kim ay pinagbigyan na lamang ito dahil naawa rin siya sa sitwasyon ng bata.




Ayon sa pahayag ng guro ni Jan Kim, masipag at may dedikasyon sa buhay si Jan Kim. Pursigido itong matuto at makapagtapos. Sa katunayan ay nais ni Jan Kim na maging isang Guro. Sa natuklasan ng guro ay lubos siyang naantig sa kalagayan ni Jan Kim kaya naisipan niya itong ibahagi sa social media upang makapulutan ng aral at inspirasyon.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments