Walang imposible sa pag-abot ng pangarap basta sasamahan ng pagsisikap at determinasyon. Kahit na sino ang maaaring mangarap kahit na bata o matanda, dahil hindi basehan ang edad sa pag-abot ng pangarap basta pinagsusumikapan itong makamit. Ito ay pinatunayan ng isang 80-anyos na Lolo na mula pa sa Marinduque na nakapagtapos ng Junior High School.




Ang 80-anyos na Lolo ay kinilalang si Teofilo Bonites Sr. na matagumpay na nakatapos ng Junior High School bilang 2nd Honor Student sa Marinduque.

Sumailalim si Lolo Teolifo sa Alternative Learning System ng Department of Education (ALS) dahil sa nais nitong makatungtong ng High School at naipasa niya ito kaya naman siya ay nakatapos ng kanyang Junior High School at nagnanais na makatuntong ng kolehiyo at tapusin din ito.





Naging newspaper boy siya ng National Press Club na siyang nagdala sa kanya sa pangarap niya na maging isang reporter.Kaya naman, desidido si Lolo Teofilo na ituloy pa rin ang pagpasok sa Senior High School hanggang sa tumuntong siya sa kolehiyo kung saan kukunin niya ang kursong journalism o Political Science.




Naging inspirasyon siya sa marami at pinatunayan niyang hindi basehan ang edad para matupad ang pangarap. Sa katunayan ay pinagbuti iya ang kanyang pag-aaral kahit na mayroong pand3ya at hindi face-to-face ang klase. Nagsumikap pa rin itong masagutan ang mga modules at makipag-participate sa onlin class.

Labis naman ang pasasalamat ng kanyang mga naging guro at maging ang kanyang misis na lubhang masaya sa naging bunga ng determinasyon ng kanyang mister sa kabila ng kanyang edad.




Source: Noypi Ako