Sen. Manny "Pacman" Pacquiao, May Inamin: "I'm a Politician. All politicians are dreaming for a higher position."



Sinubukan noon ni Sen. Manny Pacquio na pumasok sa politiko noong taong 2007 bilang representante ng 1st District ng South Cotabato. Ngunit siya ay nabigong manalo nang matalo siya ni dating alkalde ng General Santos na si Darlene Custodio.

Subalit natalo siya sa South Cotabato ay napagtagumpayan naman ng eight-division world boxing champion at Senador na si Manny Pacquiao ang pagkakaroon ng posisyon sa gobyerno matapos siyang lumipat sa Saranggani at doon siya tumakbo bilang kongresista.




Taong 2015 naman ng sinubukan ni Pacquiao na tumakbo sa Senado at napagtagumpayan niya muli ito. Ngayong taon naman ay inaasahan ng marami na isa si Sen. Pacquiao sa mga susubok na maabot ang pinakamataas na pwesto sa gobyerno.

Mayroon namang inamin ang Senador tungkol sa nais niyang maging plano sa Public Service. Ayon sa isang panayan ay iamin niya na lahat umano ng politiko na tulad niya ay nangangarap ng mas mataas na posisyon sa gobyerno.





"I"m a politician, all politicians are dreaming for the higher position," pahayag ni Sen. Pacquiao.

Ilalahad din umano ni Sen. Pacquiao ang kanyang plano pagkatapos ng kanyang labån kay Errol Spence sa boxing na gaganapin sa Agosto 21 sa Las Vegas.

"I'm going to announce (my decision) in the proper time, maybe after the fight."




Ayon kay Sen. Pacquiao ay hindi umano niya poprotektahan si Pres. Duterte sa magiging desisyon ng ICC, isang korte sa ibang bansa kung sakali man umano siya ang magiging susunod na Pangulo. "All of us are bound to the law."

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments