Watch | Ama, Labis ang Hinagpis sa Pagpanåw ng Anak na Kasama sa Nag-crash na C-130!



Isang bangungot para sa mga magulang ang mawalan ng anak. Nitong linggo lamang ay may isang trahëdya ang nangyari sa Patikul, Sulu. Isang eroplano ang nag-crash na may sakay na 96 na sundalo at crews. Marami ang nagtamo ng sugåt at pilay at may 52 na nasåwi sa nag-crash na C-130. Kasama na rito ang Military Nurse na si Lieutenant Sheena Alexandria Tato.




Bago mangyari ang tråhedyang ito ay nakausap pa ni Alexandria ang kanyang ama na si Retired Colonel Wilfredo Tato. Nagsabi pa umano si Alexandria sa kanyang ama sa pagpunta nito sa Jolo bilang kapalit ng nurse na dapat kasama sa biyang iyon.

Hindi lubos maisip ng ama na ito ang sasapitïn ng kanyang anak. Hindi din siya makapaniwala sa nangyari kaya naman lubos ang pagbuhos ng kanyag mga luha habang kapanayam siya ng GMA News.





"Ang hindi ko lang maintindihan bakit sa ganitong paraan ka kinuha ng Panginoon? 'Iyan ang hindi ko maintindihan, bakit sa ganitong paraan?" emosyonal na pahayag ni Wilfredo.

"Pa, okay lang at least gusto ko rin dahil doon Pa makakapag-aral ako through online gamit ang bagong laptop," sinambit pa umano sa kanya ng kanyang anak.




Nabanggit na din ni Alexandria na nagkaroon na ng problema ang flight nila patungong Jolo noong Hulyo 3 at natuloy ito noong Hulyo 4 na nangyari nga ang naturang tråhedya. Pinigilan pa umano ni Wilfredo ang anak.

Isa si Alexandria sa 52 na nasåwi sa C-130 flight na may sakay na nasa halos 100 na sundalo. Dadalhin ang kanyang mga låbi sa Villamor Airbase para sa isasagawang military honors.




Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments