Watch | Na-stranded na OFW, Pinagtabuyan ng Misis Dahil May Iba Ng Lalaki: "Wag kana babalik dito sa cebu, may iba na akong gusto"




Isang OFW ang nananawagan ng tulong matapos siyang pagtabuyan ng kanyang misis dahil mayroon na umano itong ibang lalaki. Wala ng ibang magawa ang nakakaåwang tatay na ito kung hindi ang umiyak na lamang sa nangyari at sa ginawa sa kanya ng kanyang misis. Iniisip niya umano ang kalagayan ng kanyang mga anak lalo na at maliliit pa umano ang mga ito.




Isang vlogger na kinilalang si Rosmar ang nagbahagi ng video kung saan makikita ang isang lalaki na na-stranded di-umano dahil sa kagagawan ng kanyang misis.

Ayon sa kuwento ng lalaki na kinilalang si Jose Laordin, 54-anyos, sinabi umano ng kanyang misis na may karamdaman ang kanyang pinsan kaya naman, pinapunta umano siya nito sa Bulacan. Galing umano siya ng Cebu at pagkarating niya ng Bulacan ay hindi niya natagpuan ang kanyang pinsan dahil lumipat na umano ito ng tirahan.





Matapos na makarating sa Bulacan ay nag-text umano ang kanyang misis na huwag na siyang babalik ng Cebu dahil may iba na umano siyang gusto.

"Sinabi kasi ng misis ko na yung pinsan ko daw ay may sakit, pinapunta akong Bulacan, galing pa akong cebu, pag dating ko dito, tinext ako ng: "wag kana babalik dito sa cebu, may iba na akong gusto," kuwento ni Tatay Jose.




Nais na sanang makauwi ni Tatay Jose sa Cebu upang balikan ang kanyang mga anak. Inabutan naman ng tulong ni Rosmar si Tatay Jose. Dalawang beses na rin umanong na-ströke si Tatay Jose kaya nahihirapan na rin itong makaupo.

Sa mga nais tumulong ay narito ang kabuuang video:




Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments