80-Anyos na Lolo, Proud na Nakapagtapos ng Junior High School!




Ang makapagtapos ng pag-aaral ay isa sa mga pinapangarap ng marami sa atin. Kung may mapalad na nakapagtapos sa pag-aaral ay mayroon din ang hindi dahil sa matinding kahiråpan. Ang edukasyon ay hindi lamang para sa mga bata dahil kahit na matanda ay maaari pa ring mag-aral. Walang imposible kung susubukan na gawin ang mga pangarap sa buhay basta sasabayan ng determinasyon.




Isang lolo ang nagpatunay na hindi hadlang ang edad para makapag-aral. Siya ay kinilalang si Lolo Teolifo Bonites Jr. Si Lolo Teolifo ay 80-anyos at matagumpay na nakapagtapos ng junior highy school, at hindi lamang siya nakapag-tapos dahil gumraduate siya bilang 2nd honor student.

Sumailalim si Lolo Teolifo sa Alternative Learning System (ALS) na isa sa mga programa ng Department of Education (DepEd) dahil sa nais nitong makapagtapos ng High School.





Sa katunayan ay plano ni Lolo Teolifo na makatuntong ng kolehiyo at makapagtapos. Naging news paper boy si Lolo Teolifo sa Nation Press Club na siya naman nagdala sa pangarap niya na maging isang reporter.

Dahil dito ay desidido siya na ituloy ang Senior High School hanggang makapagkolehiyo at makuha ang kursong Journalism o Political Science.




Talaga naman marami ang na-inspire kay Lolo Teolifo na kahit na may edad na ay pinursige pa rin niyang makapagtapos ng pag-aaral. Kahit na may pand3myang kinahaharap ang bansa at hindi face-to-face ang klase ay pinipilit pa rin niyang makapag-aral.

Sinusuportahan naman siya ng kanyang misis at lubha ding masaya sa naging bunga ng determinasyon ni Lolo Teolifo.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments