Batang Lalaki sa Benguet, Naglalako ng Kabute Para Makatulong sa Magulang!



Lingid sa kaalaman ng iba na marami ang mga bata na imbis na makipaglaro sa kanilang mga ka-edad, ay naghahanapbuhay na para makatulong sa kanilang mga magulang. Ang kahiråpan ay isa sa pinaka malaking pr0blema ng ating bansa na mas lalong lumalala ngayon dahil sa kinahaharap nating pand3mya. Gayunpaman, ay maswerte pa rin ang ilan sa atin ang nakakaraos sa pang araw-araw.


Isang batang lalaki naman ang nakapagpaantig sa mga pus0 ng mga netizens. Bata pa lamang ay namulat na ang Grade 10 student na si Jessie Almoza sa kahiråpan. Dahil dito, pinili niyang maglako ng kabute para makatulong umano siya sa kanyang mga magulang. Ito rin ang naisip na paraan ng bata para kumita ng pera.

Kahit tirik na tirik ang araw ay matiyaga siyang naglalako ng kabute sa kalsada. Kaya naman, sa halip na siya ay nakikipaglaro sa ibang mga bata ay maaga siyang gumigising para mangolekta ng mga kabote para may ibenta siya.


Nakapwesto si Jessie sa mainit na bahagi ng Sitio Camisong, Loacan Itogon, Benguet. Marami naman ang napabilib sa kasipagan ng bata. Ang kinikita ni Jessie sa paglalako ng kabote ay ibinibigay niya sa kanyang magulang at ang natira naman ay iniipon niya para sa kanyang pag-aaral.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments