Ilang Resindente sa Oriental Mindoro, Buwis-buhay sa Pagtawid sa Ilog Gamit Lamang ang Lubid!




Bagamn moderno na ang panahon ngayon ay marami pa rin sa iba't-ibang bahagi ng bansa ang hindi pa ganoon ka-unlad. Halimbawa na rito ang mga barangay na wala pang maayos at konkretong tulay. Isa na lamang ang Bongabong, Oriental Mindoro na gumagamit pa rin ng lubid na nagsisilbing tulay sa mga residente kahit na ito ay mapangånib.




Ang sitwasyong ito ay mabilis na kumalat sa social media. Marami ang mga netizens na nananawagan na maaksyunan ito kahit na hindi sila residente sa nasabing lugar dahil lubhang delikådo ito lalo na sa mga bata.

Makikita sa larawan ang isang babae na tumatawid sa ilog gamit ang lubid habang may bitbit na bata. Habang nakakapit sa lubid ay maingat na humahakbang sa isa pang lubid ang babae. Nakakatåkot kung iisipin na ito lamang ang paraan ng mga residente doon kung paano makakarating sa kanilang pupuntahan at makatawid sa ilog.






Hiling ng mga residente doon na sana ay mabigyan ng pansin ang kanilang hinaing upang mabigyan na sila ng maayos na tulay at ligtas na madadaanan. Marami rin sa mga netizens ang nababahala para sa mga taong tumatawid doon lalo na sa nakita nilang babae na tumatawid habang may bitbit na bata.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments