Isang Security Guard, Matagumpay na Nakatapos ng Pag-aaral sa Kolehiyo!




Pangarap ng marami ang makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho. Bata pa lamang tayo ay naiisip na natin kung ano ang magandang maging trabaho sa ating hinaharap, may mga taong gusto na maging guro, may nurse at doctor, mayroon din sundalo at pulis, at marami pang iba. Ngunit, madalas na nagiging dahilan para hindi matupad ang mga pangrap na ito ay ng kahiråpan.




Bagaman marami ang nakakaranas sa atin ng matinding kahiråpan ay hindi pa rin sila humihinto at nawawalan ng pag-asa na balang-araw ay matutupad din nila ang kanilang pinapangarap. Kung minsan, para maabot natin ang pinapangarap natin, ay mayroon tayong mga inspirasyon para mamotivate at isa na lamang dito ay ang ating mga magulang.

Katulad na lamang ng isang security guard na matagumpay na nakapagtapos sa kolehiyo. Alay ni Arlyn Ramos, 27-anyos ang tagumpay sa kanyang ama na isang mangingisda dahil nais nitong mabigyan ang ama ng magandang buhay.




"Hindi po ganun kakontento ang nabibigay ko sa kanyang pera kasi nahahati sa pag-aaral ko at para sa kanya at sa pangungupahan ko ng bahay," ani ni Arlyn.

Si Arlyn ay nakapagtapos sa Bulacan State University sa kursong Food Service Management. Sa nasabing unibersidad din siya mismo nagtatrabaho bilang sekyu.

"Sa tatay ko po is ano lang po siya magtiyaga lang sa paghihintay sa akin. Sana maibigay ko ang pangangailangan niya talaga, 'yung para sa kanya lang talaga. Pagtiyagaan niya na lang ako kasi ito lang po 'yung nakakayanan ko na ibigay sa kanya hanggang ngayon," mensahe ni Arlyn sa kanyang ama.

Kanya-kanya tayo ng pinagdadaanan sa buhay, may mga pangarap tayong alam natin na ikabubuti ng pamilya. Katulad ni Arlyn, ay ginawa niyang motivation ang kanyang ama dahil sa kagustuhan nitong mabigyan ito ng magandang buhay.




Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments