Talaga namang wagas ang pagmamahal ng isang kuya para sa kanyang kapatid. Nangamba man siya sa sariling kakayahan, ay ipinagpatuloy pa rin niya ang nais ng kanyang kapatid na makapgsuot ng gown at makasali sa prom sa kanilang eskwelahan. Ang istoryang ito ay talaga naman umantig sa mga pus0 ng mga netizens na ibinahagi noong Pebrero 14, 2020.
Ang mapagmahal na kuya ay kinilalang si Maverick Francisco Oyao habang ang kanyang kapatid naman ay si Lu Asey Francisco Oyao.
Ayon sa kuwento ni Maverick, hindi niya umano inaasahan na makakagawa siya ng isang gown para sa prom ng kanyang kapatid. Maging siya ay nangamba sa kanyang kakayahan ngunit talaga namang mabuti ang Diyos. "I did not expect na magagawa ko to on time. I even doubted my self kung magagawa ko ba 'to o hinde kasi naman diba iba ang concept sa ginagawa na. But God is really good. Di niya ako pinabayaan. At may isa na namang bunsong kapatid ang napasaya ni kuya."
Nakompirma umano noon ang magiging prom sa sa eskwelahan ng kanyang kapatid ngunit aniya, hindi umano makakaya ng kanyang mga magulang kung magrerenta sila ng gown dahil mahal ito.
Dahil dito, pinilit umano si Maverick ng kanyang kapatid na tahian na lamang siya ng gown imbis na magrenta. Naisip naman niya na mas makakamurå nga kung siya na lang mismo ang gagawa ng gown. Naghanap siya ng iba't ibang ideya sa iternet at sinimulan niya ang pagdisenyo at pagtahi ng gown.
Pinasalamat naman ni Maverick ang mga taong tumulong sa kanya simula sa pagbili ng mga materyales na gagamitin sa pagtahi ng gown hanggang sa matapos itong magawa.
Sinuportahan ni Maverick ang kanyang kapatid bilang pagpapakita ng pagmamahal niya para rito. Ito na rin marahil ang kanyang valentines gift parasa kanyang kapatid.
Si Maverick ay isang Bachelor of Culture and Arts Education at hindi siya isang designer. Talaga namang ipinamalas ni Maverick ang kanyang husay at pagiging artistic at pagpapakita ng pagmamahal niya para sa kanyang kapatid.

Source: Noypi Ako
0 Comments