Lola, Ginagapang ang Sarili sa Katirikan ng Araw Para Makahingi Lamang ng Makakain!




Isa sa pinakamahiråp na pangyayari sa buhay ay ang wala kang malapitan. May mga kaanak at pamilya ka ngunit wala kang matakbuhan sa oras ng kagipitan. Wala kang masasandandalan sa oras ng pr0blema. Kaya naman, habang tayo ay malakas pa at kaya pang magtrabaho, ay dapat lamang na mag-ipon para sa mga panahong kailangan natin ay may madudukot tayo.




Isang concerned netizen naman ang humihingi ng tulong para sa isang lola na hindi makalakad at hiråp na hiråp sa kanyang kalagayan. Si Lola ay ginagapang ang sarili para lamang makapunta sa kanyang pupuntahan. Kahit na tirik na tirik ang araw ay pinipilit pa rin niyang makarating sa kanyang pupuntahan upang makahingi ng pagkain.

Ang video ay ibinahagi ni Marialyn Perifrino noong Hulyo 10 sa isang group page upang manawagan ng tulong para kay Lola.





Noong mga oras na iyon ay naabutan niyang papunta si Lola sa nagngangalang Alice para humingi ng pagkain. Mapapansin sa naturang video ang halos but0't balat na katawan ni Lola.

Narito ang naturang post ni Marialyn:




Sana matulongan mo c nanay sir #raffytulfoinacti0n kawawa na cia and na cia makalad kaya ganya nlng ang pamamaraan nia pag lakad makarating lng daw po cia sa pupuntahan nia,, doon daw cia punta kay madaam Alice kay hihingi po daw cia doon ng pagkain e ang layo po kawawa nman cia,,

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments