Sen. Bong Go, Nakaligtas Mula sa Muntik Na Pag-Crash ng Sinasakyang Helicopter!




Si Christopher Lawrence "Bong" Tesoro Go ay ipinanganak noong Hunyo 14, 1974. Kasalukuyan siyang Senador ngayon sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Bago pa man maging Senador ay nanilbihan siya sa Pangulo bilang Special Assistant ng Presidente sa Rodrigo Duterte's Cabinet at naging Head of the Presidential Management Staff noong Hunyo 2016 hanggang Oktubre 2018.



Si Sen. Bong Go ay anak ng Davao-based businessman na sina Desiderio at Marichu Go. Siya ay nagmula sa Chinese family. Ang kanyang lolo ay si August Tesoro na isa sa may pinakamalaking printing press sa Davao City. Nakapagtapos si Sen. Bong Go sa Dela Salle University sa kursong Management degree.

Simula pa noong taong 1998, ay nanilbihan na ang Senador bilang executive assistant at personal aide ni Pangulang Duterte noong ito ay Mayor pa lamang sa Davao City.





Ngunit, nabalitang muntik nang mag-crash ang sinasakyang helicopter ng Senador na papunta sana noon sa Basilan galing Zamboanga City nitog Sabado. Mabuti na lamang ay nakaligtas ang Senador nang matagumpay na nakontrol ng piloto ang muntik na pagka-crash.

Inakala ng Senador na ito na ang magiging katapusan niya at nakahanda na rin siyang mawala para sa bansa.




"By the grace of God and Allah — I was going to Basilan yesterday — I was safe… I thought it was the end for me," ani ni Sen. Go.

"For me, as your public servant, it would be an honor to dië while serving our countrymen."

"I'm not really afraid to dië. Only God knows when he’s going to take us," pahayag pa nito.




Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments